Scribbles


May mga magagandang dulot pala ang paghahalungkat.

Kamakailan lamang, 'di ko alam kung anong sumapi sa akin at napag-isipan kong ayusin ang bag ko. Siguro dahil nagka-kulay lumot na ang bag ko sa buong semestreng walang paglalaba.
Siguro dahil sa mga balat ng kendi na nagkalat sa loob.
Palibhasa eh, sembreak. Medyo maaga-aga kaming natapos sa klase dahil 'masipag' kami.
Walang allowance. Walang allow.

Eniweys.
Ayun, may natagpuan ko sa bag ko.



Hep hep! Wag munang mag-isip ng kung ano. Eto ang nakasulat sa likod ng cover.



Boom. Medyo defensive. 



"JUST FOR YOU. I just want you in my life"
Buwaaack. Sana totoo 'to. E hindi.

Si Ma'am Marzan nga pala ang magandang Prof ko sa English. Pero hindi ko naman ito nagamit bilang journal.
At, espesyal kasi ang nagbigay nitong notebook-book-journal-listahan-scratch na ito.
Kaya ginamit ko na rin.
Kaya eto.



Ano nga ba mga laman nito?
Ehem. 
Sa pagkaka-alam ko, pampalipas oras ko ang pagdo-drawing habang nakikinig ng musika.
O kaya'y ginagamit ko 'to kapag nakahiram ako ng colored pencil ng kaklase ko.
Kapag ang nakalagay na lang sa listahan ng mga gagawin ko ay wala.
Kaya eto na.



1st Page. Nailed it.


Mahiwagang pako.



Ewan ko lang. Bakit ang trying hard kong mag-joke dito?
Pukpukin kita ng martilyo pag 'di ka tumawa.
Biro lang.


2nd Page. Orange. (May rhyme)



Ang pinakamadaling iguhit at kulayan. 
Ang orange na nagiging santol.
Nakakangasim.
May shadow pa para kunwari artist.
Mali-mali naman yung shadings.




3rd Page. Dark Moonlight.





Dahil fan ako ng Avatar the legend of Aang and Korra, (yung may mga blood bender na lumalakas kapag full moon) Naalala ko na 'di pala ito full moon. May mga pagkakataon talagang mararamdaman mong may kapangyarihan ka. Kaya nga sa corridor may nakahuli na saaking nag-wawaterbend. Pero eto, wala. Inisip ko na lang yung pinanood kong horror movie.


4th Page. Eye Plant.



Kung meron lang talagang halamang ganito, siguro mababawasan ang krimen sa pilipinas.
  • Nakapagrerecord
  • Nakapagbibigay ng venomous substance 
  • Nakapagdedesisyon depende sa polisiya ng ibibigay
  • Pwedeng pwede sa tindahan
  • Pwedeng pwede sa bahay (If you know what I mean)


 Kaunting biochemistry at limandaang siglo ng research lamang, makagagawa na nito.



5th Page. Langaw.


Eto sana yung cover ng una kong kwento pag pinublish.
Eh nilangaw.


6th Page. O


Kanta ng Coldplay ang tumutugtog sa isipan ko habang ginuguhit ko to. Yung 'O'.
Marami sana akong gustong sabihin pero 'di niya to naging kamukha. Nakaka 'O'.



Still I always
Look up to the sky
Pray before the dawn
'Cause they fly away
One minute they arrive,
Next you know they're gone
They fly on
Fly on

So fly on
Ride through
Maybe one day I'll fly next to you


Coldplay - O


7th Page. Equalizer na 'di equal.




Whenever I play music, there's a sudden jolt in my mind. Yung parang mapapalipad ka sa nginig. May mga characteristics yung nota na daldahin ka sa iba't ibang lugar na tinatawag nilang "mood". Magugulat ka nalang, kinokontrol ka na ng dynamics nito. 

Naalala ko bigla yung dating Windows media player na may screenplay habang nagpapatugtog ng audio. Parang buhay, may mga ups and downs. Minsan malakas ang intensity, minsan mahina. Ngayon wala na yun.   



8th Page. The Eye.




Ngek. Hindi ito yung horror movie.
Makailang praktis din ang ginawa ko nung bata para magmukhang mata ang mga drawing ko na 'to.


9th Page. Inumin.




Mayroon akong kaklaseng babae na gusto akong laging nag-dodrawing ng mga pagkain. Lalo na yung mga shakes. Dumating sa point na yung last page ng notebook niya (Ata?) na puno ng doodle namin ng mga pagkain. Eh ano ba naman kasi ang panlaban sa gutom habang nasa klase?

Etong milktea-shake-float na 'to ay may popping boba.
Pimply little bobas.



10th Page. Fear.





Self-explanatory na kung bakit "Fear" ang title.
Sobrang daming description nitong drawing na 'to.
Kesyo "Fear eats up a living soul"



11th Page. Expectation.





Ang pangunahing theme ng drawing na ito ay Grief, Regret, Anger at Hunger.
Biruin mo, pagkabili ko ng Burger sa East Wing pagkatapos ng nakakapang-gutom na klase, ito ang naramdaman ko.



12th Page. Pan's Labyrinth. 


Kung napanood mo na yung brutal na movie na iyon maiintindihan mo ito. Pag hindi, panoorin mo.
Kung trip mo. Kung kaya mo pang matulog sa gabi.



13th Page. Dark Fork.





"Baby do you dare to do this? Cause I'm coming at you like a dark fork.
Are you ready for (ready for)
A perfect storm, perfect storm?"

Yan ang tinidor na itim. Pang siomai.



Scribbling is a good hobby.
Syempre, dapat nilulugar.
Para may mapaglagyan ka habang nawawala ka sa sarili.
Ikaw ang gumagawa at bumubuhay nito.
Binibigyan ka ng pagkakataong kumawala sa maliit na espasyong binibigay ng utak mo sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.
Palalawigin ang kaisipan mo.
Gagawaran ka pa ng kapangyarihan.





Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)

Langaw (Maikling Kwento)