Ask.fm #1


Para sa'yo mahalaga ba ang religion sa dalawang taong nagmamahalan?

Anong klaseng pagmamahal? Kasi yung bawang ngayon 300+ per kilo na. Bampira na lang ang masaya. Yung gasolina extra unleaded 53 pesos per liter na. Hahaha.
Mahirap na, kasi bawal magmura. :D


Well.
Bakit ba nagkakaroon ng "Love" sa dalawang taong nagmamahalan? Isa sa mga malalaking dahilan kung bakit ay ang similarities.
Pareho ng kagustuhan, pareho ng paniniwala, parehong plano, parehong priorities at kung anu-ano pa.


Example:
1.) Otaku ka, otaku siya. Nag-meet kayo sa convention. Nadapa siya, sinalo mo. Boom payns.
2.) Parehong playground ang nilalaruan niyo nung mga bata pa lang kayo. Pinaghiwalay lang kayo ng tadhana. Nagkita lang ulit kayo nung napasakay ka sa Jeepney, ikaw ang nakatabi, 'di makapaniwala~.
3.) Gusto niya maglaro ng Dota, pro ka na sa Dota. Rak na ituuu.
4.) Same course, same section. Same row, magkatabi pa.
5.) Same church. Same service. Same ministry.


Ngayon kung religion ang pag-uusapan, boom. Medyo complicated.
Pero para sakin, mahalaga ang religion. Bakit?
Imagine a relationship na magkaiba kayo ng paniniwala.
Maybe you'll spend so much time arguing which God is which.
Maybe both of you will reprimand beliefs.
Karamihan, nagkakaroon pa ng comparing.
Pati ang time, maaapektuhan.
Pati ang mga doctrines sa buhay.
Yung tipong pagbili lang ng Ham sandwich, pagdidiskusyonan pa.
Most likely, it will be difficult para sa dalawang taong nagmamahalan kung magkaiba ang religion.
So, mahalaga talaga ang religion. Pero 'di ko sinasabi na lahat ng relationships ay successful pag ganun. There's always an exception.

Pero, bago ang lahat, alamin niyo muna kung "Pagmamahalan" ba talaga ang tawag diyan. Malay
niyo kabag lang.

#LongerThanLolong
#DeeperThanDeeper

Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)