Ask.fm #2


Advice please.. How to deal with a Prof... Na minsan ka nang pinahiya sa buong klase...

Maraming uri ng paraan kung paano magturo.
Napakaraming proseso, methods, pauso at marami pang pakulo.
Kasama na diyan ang mga paghihikayat, pagpapahirap through exams and quizzes, pagjojoke na minsan ay corny, pamamahiya sagad hanggang buto, pagpapanday ng isipan o pagbibigay-dunong, pagpapranka na pati ang paraan sa pagkain mo ay huhusgahan at kahit anong uri na ginagawa ng ordinaryong tao.
Laging alalahanin na kaya sila nariyan ay upang magturo.
Marahil sinasadya o 'di sinasadya. Itatak sa isipan na normal lamang iyon dahil sa buhay ng tao, natututo tayo sa paraan na minsa'y 'di natin ginusto. Nagpapatunay dito ang mga natututunan natin sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan.
Syempre, sa pagkakataong ipinahiya ka niya, makararamdam ka ng pagka-inis. Normal lang iyon.
Ang 'di normal ay hindi mo siya pasasalamatan pagka-graduate mo.
Pasalamatan dahil nakaranas ka ng pamamahiya.
How to deal with them?

1. Kung 'di pa naman huli at kung ayaw mo talaga, try to switch classes. Magpa-tag. Kaya nga may-adjustment period. Para pakiramdaman ang klase at higit sa lahat, yung prof.
2. Humakot ng maraming encouragement at makipagusap sa kanya privately.
3. Panatilihin ang humility.
4. Tignan ang dahilan kung bakit ka niya pinahiya, malay mo, ikaw din pala ang may mali at "dapat" kang makatikim ng kahihiyan, base sa calculations niya.
5. Makipag-usap sa school guidance counselors o sa mga nakatataas. We can depend on them in our last resort.
6. Huwag na huwag ititsismis ang prof na iyon. That's giving a false testimony against your neighbor. Baka lalo ka lang mapasama.
"And remember, rumors always find their way to its source" (Wilson Lee)
7. Kung iisipin mong matapang-a-tao ka, at sisigawan mo rin siya sa pamamahiya niya sa harap ng klase, talo ka. Una sa lahat, siya ang prof, estudyante ka pa lang. Oo, may karapatan tayo bilang estudyante, freedom of expression. Pero ang pagsigaw? Have some pure dignity.
8. Try to answer intellectually. May mga sagot na nakakabara, pero may galang. Try to figure them out.
9. Pray. This is the best way how to deal with them.
Kung pinahiya ka niya, papayag ka bang pahiyain kang muli?
Kung oo, wag ka na mag-aral. De, joke lang.

#AnotherLongAnswer



*******************************************************************************

Iyan nga pala yung advice ko sa ask.fm.
Puno ng kasiguruhan.
Parang sanay na sanay na.

Pero tila kasimbilis ng patok jeep sa aurora blvd. ang nagdaang sem.
Parang roller coaster. Maraming magpapakaba.
Nakakapagod. Syempre.
Aasa ka na naman sa kakarampot na pagkakataong ibibigay ng SIS para makasulyap sa inaabangan mong nanganganib na grade.
Malas at 'di ka pa nakakapag evaluate.


Eto ang nangyari pagkatapos ng sem na ito at sa pagbibigay ng kuro-kuro sa aming 'minamahal' na mga propesor.

Evaluation for my prof.
(Picture showing my evaluation comment.)


With a caption of:

"Minsan kailangan talagang magsabi ng hinaing.
Kung magpapakatoo lang tayo.
Kasi may karapatan tayo bilang estudyante o mamamayan.
Wala ring mangyayari kung puro sunod lang."

on Facebook.



It's funny how things turn out.
Eto ang paraan ko eh.
Grado ko: 2.75.
Sabi nila, 'di na raw magiging Cum Laude.
Minsan may mga bagay at pangyayari talaga na sa hanggang ngayon ay 'di ka maka-get over.


https://www.facebook.com/THEPUPCONFESSIONS/posts/779929178738845

Buti na lang at nakita ko ito.





Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)