Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)
Hanggang saan aabot ang dose pesos mo?
- isang plastik-basong palamig na may tatlong hibla ng kinayod na buko
- dose pirasong sweet corn na chichirya
- pamasahe mula PhilCoa to Sandiganbayan - presyong estudyante
- isang unit ng subject sa PUP Main
Kung susumahin, sa loob ng apat na taong pagiging estu(pi)dyante ng PUP Sta. Mesa, napakarami ko nang mababahaging kwento sa mga taong interesado sa Sintang Paaralan. Sa sobrang dami (at sa katamaran ko), baka i-link ko pa kayo sa mga meme page nila sa FB at Twitter. Pero dahil ang lente ng kamera ng tab ko (na 5mp lang naman) ay sadyang nadestino sa aking mga kamay, magpapalaganap ako ng mga litratong baka maitabi ko sa sulok ng internet.
Bilang isang BS Food Tech student na nakaranas ng napakaraming stereotyping/prejudice habang ikinikweto sa mga kakilala kung ano yung kinuha kong course, sinubukan kong magtala ng mga mga natatanging litratong kinuha ko na may tatak na sa isip ko. Dahilan: 1. Trip lang. 2. Ewan ko.
Simulan natin sa tanawin na ito.
At kung saan ka unang umuupo para maghintay ng magsimula/matapos ang klase.
CNFS Building (Food Tech & Nutrition & Dietetics) |
Dalawa lamang ang mararamdaman mo:
1. Preskong hangin mula sa bukas na hallway
2. Nanlilimahid na balat
Madalas itong mapuno ng mga naghihintay na nakaputing uniporme na may butones na dalawa sa likuran. Kung saan makikita ang mga pinturang natutuklap pero legit na at home ka pa rin bilang estudyante.
Madalas mo silang makikitang nakaupo at nagsisiyesta/nagaaral/nagpapalamig/nagkekwentuhan/nagjajamming/kumakain. Hindi mawawala ang mga pamaypay na pamigay galing sa LRT hanggang sa puslit na larong Uno card sa gawing dulo.
Maging sa ibaba. Madalang makakita ng mga tumatambay dito. Pero kapag research peak, enrollment, department week, graduation - blockbuster.
Masasabi mo rin na ang pwestong ito ay perfect fit. Paunahan pa kayo ng kakwetuhan mo. Pagkalipas ng sampung minuto, manhid na ang mga hita mo.
Kapag natayo ka dito, isa lang ang ipinahihiwatig niyan. May hinihintay ka. Pwedeng tao o oras. Ok naman maghintay, basta may kasama ka rin. Dito rin nagaganap ang karamihan ng mga spotting o "tignan mo yung nakauniform pre, dadaan" "san diyan?" "Yung nakasalamin, short hair"
Sa paghihintay, kadalasang nakikita mo ito habang nagmumuni / nagbubuhos ng tubig para sa refill ng tubig.
Yung sa range ng 3-5 pesos, may malamig/mainit na tubig ka na.
Laganap din ang mga notice sign na 40% chance lang na masunod.
At mga papel na dinidikit para maging sikat ka. Bad news lang dahil may kailangan ka pang kumpletuhin para ma-clear ka sa Storage room.
Kung may bad news, may good news! Eto ang senyales na 'di pa nagsisimula ang 7:30 am niyong klase.
Pag naglakad ka sa hallway, ang bulletin board na ito ay malakas makahatak ng sulyap. Dito mo ituturo sa kaklase mo kung sino crush mo at kung sino yung pinaguusapan niyong hinayupak na taong yun.
Tititigan niyo nang matagal at medyo may background na kayo sa Food Technology Department.
Eto din sana yung mga dapat tinitignan at pinag-aaralan pero #anuna.
Ito ang magpapaalala sa'yo na dapat kumpleto ang buhay mo.
Buhay:
1. Requisition form na may pirma ng prof.
2. Labgown and friends
3. Raw materials
4. Diwa
Sa paglingon bago mo matapos ang mga bagay sa klase, mapapansin mo rin ang tunay na hiwaga ng building na ito.
Next stop. PUP Interfaith chapel.
Sikat itong landmark na 'to dahil sa hugis beyblade na binaligtad . Sa harapan nito, madalas makita ang mga:
1. Nagalaro ng voleyball/badminton
2. Nag-teteam building activity
3. Nagpapapicture na batch
4. Nagrereview sa exam
Swak na swak upuan mapa-umaga hanggang gabi. IYKWIM.
Marami nang napaligaya ang tambayan na ito. Mga nag-iisa, magkabarkada, magkakabanda, magkasintahan.
Morning: Serene, Calm, Relaxing.
Noon: Scorching
Evening: Serene, Calm, Relaxing.
#mema
Sa gawing kanan, katabi ng Chapel at CNFS Building ang lugar na ito.
Kadalasan dito ginaganap ang mga singing competition / pageant ng ibang department. Marami nang natapilok dito.
Bahay Pulungan - 'Di ko pa rin alam kung bakit ito itinayo at para saan. |
Ang sikat na Tree of Life ng CNFS. Maraming beses kaming prinotektahan ng punong ito laban sa mapaminsalang Ultraviolet Rays, aliens at bumubulusok na bola ng volleyball. |
Bago ka pumasok sa Oval, mapapansin mo yung rehas na pula.
Medyo 60% chance na makakakita ka ng mga contortionists na nagkakasya dyan para pumasok sa loob.
Ito ang isa sa mga memorable dahil dito ako nagkaroon ng pagkakataong masama sa isa pang cell group. As usual, ang mga "cottage" na ito ang kadalasang lugar na makakarinig ka ng worship songs.
Kahit sinong ka-batch ko at mga naunang batch ang makakaalala sa parte na ito ng oval. Kahit paano, nagbago ang lugar na ito sa iisang gabi.
One word: Taping
Ok naman yung oval ng PUP. Masayang tumambay at maupo sa damuhan kapag gabi na at wala nang naglalaro. Mag-ingat ka lang sa mga makikita mong:
1. Pangyayari
2. Alupihan & Friends
3. Bomba ng aso
Syempre pag pagod ka na galing sa Oval, sa kainan ka na.
Dun ka makakakita ng mga:
1. 20-25 Php meal, may ulam at kanin na, may pa-gravy pa.
2. FEWA (Foot-long Egg Wrapped Around) ang trademark
3. Street foods
4. Virgin and her Shake
5. Submarine
6. Cheesestick na may maraming ranch sauce
7. 5php na extra rice
Sobrang ideal ng foodtripan sa loob nito para sa average PUPian.
Reasonable prices.
PUP lagoon / Intra Food Area
Wala lang. Sobrang napakalawak ng sakop nito parang isang blog entry na.
Just enjoy the texture |
Kakalakad para gawin ang orgworks/registration, mapagmamasdan mo yung view ng PUP na IG worthy. Mapapaisip ka nalang: may igaganda pa pala itong Sintang Paaralan.
Northwing |
Southwing |
Oops. Ingat sa patak! |
That very sketchy place with squeaky floor. |
Daylight saving mode |
Lagusan, Lagoonan, Lamunan |
Grandstand. Marami nang mga banda ang nakapunta dyan. |
Ang mahiwagang spaceship nating lahat. Urban Legend: dyan daw nakatira sila Master Kayuzama
|
At sa mga hindi gaaanong nabibisita dahil:
1. Medyo masukal ang daan
2. Malayo sa FT Building
3. Umiiwas sa mga nangangalabit
4. "Bakit 'dun pa?"
Mabenta itong Sampaguita food area sa mga nag-eexplore palang. Starter pack ng mga freshman at sophomores. |
Dahil napaka-wholesome ng PUP, meron itong magandang (?) tambayan sa tabi ng Pasig river. Dun mo marerealize lahat ng bagay mula sa pinagaralan niyo sa chemistry, napunta sa environmental issues, political issues, yung magandang cover ng paborito mong banda, tapos mapupunta sa pagkatunaw ng yelo sa antartika hanggang sa 'di mo na kayanin yung amoy.
"Some people choose to see the ugliness in this world" - Dolores, Westworld |
May makikita kang mga ibon na mabibilis ang lipad (wala sa litrato dahil lumipad na, diba?) |
Ok din yung mga upuan. Pagpag lang, papalag na. |
Tanaw ang PUP Ferry station |
at mga Water hyacinth sa gilid |
When you look closely, you'll know exactly the message behind Geneva Cruz's song "Anak ng Pasig" |
Pag-uwian na, lalabas ka kung saan ka pumasok.
At syempre bago ka lumabas, ito pa rin ang dadaan-daanan mo. Napakaraming eye-contact ang naganap dito.
Catwalk |
At kapag natanaw mo na 'to uwian na nga talaga.
Uwian na! Matatapos ang apat na taong pagpapanday ng isip ng kabataan, kami ay dumating nang salat sa yaman, hanap na dunong ay iyong alay. *continues*
So, hanggang saan aabot ang dose pesos mo?
Itanong mo sakin, ang dose pesos mo, gagawin nating abot-kamay na pangarap at karunungan.
*****************
Play Slots by CasinoCyclopedia - MapyRO
ReplyDeleteFree Slots 당진 출장안마 from 양주 출장안마 CasinoCyclopedia. View 계룡 출장안마 the 동두천 출장샵 full CasinoCyclopedia directory, 충청북도 출장마사지 revenue, industry and