Food Technology - A view from a sophomore


“Bachelor of Science in Food Technology, ‘diba nagluluto-luto kayo?”,
“Parang BS HRM lang yan na hinaluan ng Technology.”
“Pudtek? Pudtek na course yan! Ano yun?”
“Bakit ganyan, dapat nag *insert popular course* ka na lang! ‘Diba magaling kang *insert talent/skill/ability here*?”


These questions were known as “Those default questions” para sa aming FT students and soon to be food technologists.
With a default expression :





Madalas nang marinig ng bawat estudyanteng nangangalbaryo/ naguguluhan/natutuwa/napipilitan/naaalibadbaran/nakokonsensya sa tinatahak nilang landas patungo sa course na BSFT ang mga katanungang tulad nito.



Bakit nga ba?

3 possible answers:

1. Walang idea sa course
2. Walang Idea sa course
3. Walang idea sa course


Food is a necessity for us to sustain life. It gives nourishment and it maintains well-being.
Hanggang dito na lang ba?


Kapag tinatanong ako ng mga tao tungkol sa kung ano daw ang sumapi sa akin bakit ko pinili yung course na ito at ano ba talaga ang mga pinag-aaralan doon,‘di naman pwedeng ura-uradang :
 “We study how Saccharomyces cerevisiae var. ellipsoideus converts sugar into alcohol and carbon dioxide, why protein compounds polymerize in irradiation, how polar and non-polar can be distinguished by only looking at the zwitter-ion projection, how Bromelain and Papain catalyze protein, why Hypochlorite 3% solution can affect the egg shells, how food laws affect the quality and safety of food products.” mga ganun. Nagmumukha lang na may nais lang patunayan. Hindi tayo ganun.

Ang Food Technologists’ Code of Ethics ang basehan. Iyan yung pinakabisado sa amin sa subject na Introduction to Food Technology para i-recite.


“As a Food Technologist, I believe that sound professional relationships are built upon integrity, dignity and mutual respect.”

-Food Technologists’ Code of Ethics, 1970, PAFT Theta


A quick flashback:

1 year ago, pumasok ako nang maaga para lang maglibot sa Chapel, harap ng CNFS Building para magkabisa, ending ay mayroon kaming P.E. sa Swimming. Doon, nakita ko ang mga kaklase kong hawak ay xerox copy ng Code at parang sabay-sabay silang nagpapasyon habang nakaupo sa harap ng univ. pool. Symepre, nakisali ako.

1 year ago, ramdam ko pa yung kaba at pag-iinternalize ng medyo mahabang code na ‘to habang nanlalamig ang kamay at paa ko dahil malapit na kaming mag-recite.

1 year ago, ‘Di ko na siya kabisado.

Pero, speaking of ethics, naalala ko ang mga pinagsasabi ng mga prof namin tungkol sa pagmamaliit ng ibang tao course namin:

“Kapag ina-underestimate nila ang Food Technology, isampal niyo sa pagmumukha nila yung Curriculum natin.”


***

Habang tumatagal, nagiging default answer ko na sa mga default questions yung:

“Food technology tackles the science of processing, production, and storage by means of distinguishing, manipulating and developing biochemical, microbiological and physical constituents of food.”
At alam naman nating kulang pa yan na description para doon. Food Technology is one of a kind course. Para siyang pinagsama-samang chemistry, biochemistry, nutrition and dietetics, HRM, Economics, engineering (oo, engineering!) at Law (Swear, itaga mo pa sa maalat na patatas ni Sarah na pinakyaw ng mga osmophiles).

Nariyan yung mga taong kumekwestion sa mga bagay-bagay such as GMO's being the new form of "death", Artificial preservatives, Banned items, commodities na iniimport at maraming against sa pagbaba ng lifespan ng tao dahil sa mga pagkain ngayon. Na hindi pwedeng kainin ang mga ingredients na 'di tayo pamilyar, yung mga processed food bilang cancerous and the such.

 Kaya nga dati, ginulo ng pag-aagam agam ko ang pasya kong magpatuloy dito sa course na ‘to. Paano ba naman eh, dehins ko paborito ang chemistry subjects. Knowing that: SANDAMUKAL ang Chemistry subjects ang pinaglalagay ng mga eksperto sa curriculum namin, from Gen. Chemistry, Biochemistry, Qualitative and Quantitative Chemistry, Organic Chemistry at Food Chemistry. Samahan niyo pa ng Microbiology, Food engineering at Food laws. Paano na?




 Wala eh, ganun talaga.
Loving a thing, in particular, demands time, patience, and perseverance.
#Hugot

There are criteria that made me think about the course:
- I grew up helping my mom do the market trips on weekends para sa catering namin dati
- Marami akong food idea, as in MARAMI. You name it: Yogurt Popsicles, SioMao, Soda Tablets, Burger roll, Microwavable soups etc. (Kayo nalang mag visualize)
- I enjoy and appreciate the majesty of a food processing line
- I wake up waiting for TV shows that was themed for Cooking, Economics, Business 
- I just don't LOVE food, there's more to it and I don't know how to categorize the term for it
- I like biology


Naging matingkad ang pagkakaintindi ko kung ano ba talaga ang nais kong tahaking landas. Mahirap at masaya ang pagiging food technology student. There were things meant for each other. Parang kape’t coffe mate. Parang unan para sa ulo. All we need to do is commit. 

Mariin nating magagawa ang isang bagay kung narito ang atensyon natin.




***

Naranasan mo na bang kumain ng FEWA?
Taga-PUP ka ba? Hindi?
So hindi mo alam ibig sabihin ng FEWA?

Eto:


 (c) PUPMemes


Maniniwala ka bang food tech. related ang pagkain na ‘to na sikat sa PUP?
Doubtful?

Isa-isahin natin:
1. Hotdog (Processed meat)
2. Shredded Cabbage (Post-harvest handling, Storage, Manual Processing)
3. Cheese (Dairy product, Pasteurized process)
4. Ketchup (Fortification, Hermetic sealing, processing with additives)
5. Egg (Protein coagulation, Albumin reacts to heat)


Araw araw may nai-rerelate tayo, kung papansinin lang mabuti.
Tumingin sa kaliwa’t kanan.
Sa grocery.
Sa restaurant.
Sa mga taong naglalakad habang kumakain.
Sa magiging hapunan niyo mamaya at bukas.
Si Marcelo Santos III nga eh, nairerelate niya ang halos lahat ng bagay sa pag-ibig.


Pag-isipan natin:
Imagine eating a food without guarantees.
No safety, no preferred quality, no standard?
Imagine there’s no food development.
There’s no other tuna.


‘Yan ang buhay kapag walang Food Technologists.

***


Ano nga ba ang pinaglalaban ko?
Kamakailan lamang, isinumite na ng mga nakatataas ang pagkakaroon ng Licensure Examination ng mga Food Technologists sa kabila ng matagal-tagal ding pagdidiskusyon. Dumaan ito sa masusing proseso, mga debate at pagpapanukala.

Mahirap nang i-elaborate, kaya :


Nakakatuwa lang isipin na napapansin na nila ang kahalagahan ng pagkaing nasa paligid at ang kaligtasang idinudulot nito.



Dalawang bagay na pumasok sa isip ko nang malaman kong may Licensure Exam na kami:

1. Ang mga letrang idadagdag sa pangalan ko kapag nakapasa
2. Pressure




A part of me leaps up with joy. Syempre, may Licensure Exam na! Kasi nung wala pa, pakiramdam ko, para kaming Aspiring Drivers na nagtetrain nang walang hinahangad na lisensya. Oo, alam naman natin na we need to depend on our abilities, na parang wala sa recognition yan, basta lang maka-graduate. But In this world full of uncertainties, naghahanap tayo ng proof kung mapagkakatiwalaan ba. Kung subok na. Kung nakapasok ba sa standards. Parang patalastas lang ni Susan Rocess at John Lloyd Cruz. Paniwalang-paniwala ang mga tao. “Gusto kong gumaling kayo”. Yeh.





The other side, is pressure.
Pressure, force per unit area.


Alam natin na sa bawat exam may pumapasa, at mayroon ding hindi.
There’s a point in life when we become afraid to disappoint everyone and ended up disappointing everyone.
Kaya lintik lang ang walang ganti.
Sana’y makapag-aral nang mabuti.



Masaya kayang madagdagan ng 3 letters ang pangalan.
[Your Name]., CFS.


What CFS stands for:
Certified Food Scientist
‘Di ba masaya matawag na CFS?




***

Food Technology, luto-luto? Nope. We’re Food Scientists!



Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. 2 thumbs up! Point well-taken Migs. Good job :)

    ReplyDelete
  3. Salamat, Ann Nicolas! God bless sa ating mga Food Technologists. :D

    ReplyDelete
  4. Sir, salamat sa tips at kaalaman. Incoming BS Food Technology student po ako sa Sintang Paaralan. Maraming salamat po! Pagbubutihin ko po ang aking pag- aaral!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Ms. Gilliana! I'm glad you've read and learned something from this. The industry is waiting for you!

      Delete
  5. Hi I'm a BSIT major in food Technology student here in Cagayan Valley

    ReplyDelete
  6. Hi I'm a BSIT major in food Technology student here in Cagayan Valley at napakagan da po Ang course na FOOD TECHNOLOGY

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)