Amplified



“Isang hapon noon, umaaab pa sa isipan ang mga pangyayaring naganap.
Isang tinig ng kaibigan ang pumukaw sa aking pandinig, galing sa likuran, ito’y dumagundong sa aking lamlam na mga tainga.
Inaanyayahan niya akong pumunta sa silid na iyon.
Wala sa aking ulirat ang mga nangyayari. Walang anu-ano’y sumunod na lamang ako.
Naroon ako naglalakad, inaabayan ng isang kaibigan patungo sa silid na iyon.

Sapantaha ko’y pinuno at namutiktik sa pag-aagam-agam. Hanggang ako’y nakapasok sa silid na karamihan ay yari sa salamin. Isang itong obre-maestrang gawang-paham na anluwagi.


Naroon sila.  Pasensiyosong naghihintay.


Parang may nais silang sabihin ngunit binibitin para sa ‘di ko mawaring dahilan.
Pinilit kong basahin ang kani-kanilang pag-iisip ngunit ako’y nabigo.

Kahulilip ng langit ang kabang nararamdaman. Nabawasan ito ng bahagya sa paghihinuhang marami kaming bagong salta na naroroon. Tatap ng isipan na may kakaibang mangyayari, kaya kinalagan ko ang sarili mula sa pag-aatubili.
Nagsimula na silang magsalita. Paisa-isa, tila pinaghandaan nilang gumawa ng dulaan para magkaroon ng maayos na pagkakasalansan sa mga pagsasambit ng salita. Palihim kong ikinubli ang pangangatal ng labi dahil sa lamig.

Mariing umukit sa isip ang mga katagang namutawi sa kanilang labi.
Kasabay ng anunsyo at paghahatid ng balita, nagawa kong ngumiti mula sa loob patungong labas.”


Ayan yung buong kwento dati matapos kong malaman na nasali na pala ako sa Youth Worship Team (Amplified). Medyo formal para masaya. Ito nga pala yung banda ng youth ministry sa church. Dehins ko alam kung bakit ako napasali nung mga oras na iyon kasi mahiyain ako lalo na sa pagkanta sa loob ng youth service. 



May mga oras nga noong may mga ilang may alam na dati akong kabilang sa kid’s choir. Umaasang sana malimutan na lamang nila ang mga ala-alang nagmukha akong ewan. Mamuka-mukat ko na lang yung kuya ko pala (na kaslukuyan noong tumutugtog na ng gitara para sa banda) ang nagsabing “o ito si miguel kumakanta yan!” And the rest is history.

Simula noon, pagkatapos ng pagsasabing “You are welcome to be a part of the worship ministry!”, lagi na akong na-aassign bilang back-up singer. Every assignment, naroon na lamang ang kaba. Yung not just butterflies but the-whole-animal-kingdom in your stomach. Wala pa sa isipan ko ang tunay na goal ng grupong ito. Kaya abot-abot na lang ang kaba.


Being in a Band will turn your music dreams and aspirations into reality. Yung feeling na may solid at may legitimate na group na kasama para tumugtog at kumanta. May mga instrumentalists na mag-aaccompany sa amin (singers) para bigyan kami ng mga chord progressions nang sa gayon ay maka-awit kami nang maayos.


Habang lumalalim at tumatagal ang panahong inilalagi namin dito, sa pagpapractice, pagtugtog tuwing linggo ng hapon (na kinalauna’y naging sabado ng gabi), nagkakaroon kami ng malalim na ugnayan. Nadaragdagan kami, may mga nababawasan ngunit ang mabuti ay mas marami ang dumadagdag. Naroon din ang samu’t saring mga problema. Napakaraming problema ngunit alam naming nasolusyonan ito nang maayos sa tulong ng Panginoon.


Minsan tinanong ko sa sarili, “bakit nga ba ako naririto?”


Mga posibleng kasagutan:
-Para maipakita yung talent ko
-Para mapatunayan sa sarili na may ibubuga ako (dragon lang?)
-To establish an identity
-Para sa popularity
-Para may ministry
-Para makipag-socialize para maraming friends
-To gain people’s attention
-Para may “banda” na maituturing


And unfortunately, lahat ay mali.

Mali ang goal, napaka selfish. Self-centered at napaka-disappointing para kay God. Naaalala ko yung mga itinuro sa amin tungkol sa leading the congregation to Worship.

What is worship?
To explain it simply in a single picture:



Arrow represents who serves whom.

True worship seeks the appreciation of our God.
True worship is giving it all away. 
We just don’t seek for appraisal. Wala tayong hinihinging kahit anong kapalit. Because God is worthy of our praise. Bakit worthy? Tignan ang buhay mo ngayon. Siguro madalas lang natin nakikita yung imperfections sa buhay, pero kung susumahin, wala pa ito sa kalingkingan ng pinagsama-samang mabubuting nangyari para sa'yo at sa mga taong nakapalibot sa'yo.

When we say worship, 'di lang yung pagkanta at pagtugtog. Napakaraming paraan, kahit naglalakad ka lang sa kung saan-saan, napahinto sa tindahan, nagbibiyahe sa Baclaran papuntang tahanan at sumayaw-sayaw habang nagbubukas ng kalan sa inyong tirahan. Boom!

Marami itong paraan. Sa lahat ng ginagawa natin, basta'y kalugod-lugod at ibinabaling para sa Kanya, matatawag na itong Worship.

Para mas madaling intindihin, I recommend this book:

The Air I Breathe: Worship as a Way of Life

by Louie Giglio


In the long run, marami kaming natutunan. At sana mas marami pa.

Nakaraang araw ng linggo, dahil youth Sunday (kung saan ang lahat ng worship service ay pinamunuan ng mga kabataan) ang Amplified ang namuno sa buong worship service. Hindi lang sa youth or “Intencity”. Nakakatuwa lang isipin na sa mga murang edad, kasama na rin ang mga biyaya at talento ay may magagawa tayo para paglingkuran ang Diyos.


Sa madaling sabi, ang bandang kinabibilangan ko ngayon ay buhay, astig at totoong worship team. Tunay at tapat. SOLID ika nga nila.





Amplified members assigned for Youth Sunday (11/8/14)
(From left to right : Me, Jotham Pesebre, Immar Razon, JL Guerra, Mikee Nazal, Faith Flores, Xave Dimalanta, Paolo Ocampo, Patricia Ocmpo, BJ Miranda, Daniel Chicombing, Daphne Padasas)
Photo by:  Ingrid Faye Mangalindan




For more info about Intencity, visit this FB page.

Okidoks!

Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)

Langaw (Maikling Kwento)