Ask.fm #3


Can you differentiate love from infatuation? If yes, what are the differences and the similarities? I really need your advice! Thanks talaga. :D

To make it simple, nagkakaiba sila sa kung gaano katibay at katatag ang outcome ng relationship.

Infatuation = Overwhelmed yung emotions mo by lost and unreasonable desires. Yung tipong unang kita mo pa lang, BLAGADAAAAG. May impact na. 'Di mo mapaliwanag, nawawala ka sa sarili at nagkakaroon ng attraction na kahit mga simpleng gawain lang ng taong yun na ginagawa ng ordinaryong nilalang ay kinikilig ka na. It flourishes on perfection. Selfish kasi ito at para lang ma-satisfy natin yung desire. Normal lang na magkaroon nito dahil lahat tayo may hormonal activity at naguumapaw yung oxytocin, at karamihan sa mga relationships, dito nagsisimula. It is more likely to be called 'crush' kasi medyo parehas sila. Kadalasan, mabilis matapos ang emotion na ito kasi nahuhumaling lang tayo sa unang tingin. Parang "Takaw mata" na sinamahan ng urge at chemical reactions by the brain na mahirap labanan.

Love = Unconditional, patient and it goes through a long process. Makatotohanan. Deepens through time. Nagbibigay ng security. 'Di lang puro 'kilig' and the such. Merong commitment and intimacy. Uminom lang ng tubig, sumayaw lang kahit kaliwa ang mga paa, kumanta lang na parang nanghihikayat na bumalik si Yolanda eh, gustong gusto mo pa rin. Kasi sabi nga sa kanta "Love your perfect imperfections".


Imagine a certain food.
Yung masarap.
Yung healthy.
Yung affordable.
Yung definition ng mga fast-food chains ngayon para bumenta yung pagkain.
So ito ang palagay ko.

Infatuation = Bili ng bili at first. Naubos na laman ng pitaka mo para lang bumili ng mala-bundok sa dami. Every week. Next month sawa ka na.

Love = Wala lang. Then nung na-try mo, na-consider mo na. After ay inalam mo kung masarap ba talaga. Repeat process. Hanggang may suddden attraction na. Over time, nahuhumaling ka na. Pagtanda mo, ito pa rin hinahanap-hanap mo.
Yan lamang ang nai-taktak ko sa utak ko at sa paghahanap ng kasagutan.



***

Me trying to explain the answers I never encountered.
Shows how hard I tried.

Question/s?



Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)

Langaw (Maikling Kwento)