Posts

Showing posts from 2015

Something You Need to Feel from the Artificial Romance

Something about the cold, The long night's walk Tapping knees by clasping fingers, Fantasies blinding while melodies flowing. The only knives left on your back are the words, Haunting, black and blue. Inks scattered, spiking its way through Exploding, trying to inflict its edge. Beautiful this world might be by pills, But solely the sender's note kills It creeps and terrorizes There's nothing on earth that's worse. Follow the pigeons, Believe in whitish blankets, guns and roses, Bedtime stories, your bestfriend's gossips Find what you're looking for, nothing more. Go north, the south says He who tried to bomb the sun, burns himself Not because of the heat, But from the never ending beat. It reverberates, Each ear anxious Hoping for retreat. How long will the crows fly? Till the drifting ends, The clocks tick a million times Aids the wounds, But will continue to bleed. Wise or fool, It's fate.

On Track [3]

It's been a long time.  Been very busy these days, syempre buhay kolehiyo. 3rd year 2nd Sem. Pasalamat ako mayroong bumulong sa akin na gawin ito. :D I hope many will appreciate my appreciation. So, without further adieu, here you go!! 1. Young The Giant - Anagram This song makes me cringe every time. Good blending of instruments. Nice arrangement. POETIC! This became my travelling companion. 2. Glass Towers - Tonight Sounds like Two Door Cinema Club, but with distinct rock vibe. Good song. 3. Young The Giant - Daydreamer This song deserves more than just one listening.  4. Kimbra - Wandering Limbs Soulful, great harmony and great cover. 5. Tame Impala - The Moment Soothing electronica/psychedelic vibe.  6. Tame Impala - Less I Know the Better Good vibes!! The bassist killed it! 7. December Avenue - Ears and Rhymes Awesome OPM. Drammatic. The melody just made me ask for more. ...

Modern Vampirism

Bakit maraming mga pinagpala, Ng mga ugaling walang hiya? Nasa kasulok-sulukan, kaibuturan, kalagitnaan! Sa maruming tahanan, pati na rin sa lansangan Humihimlay ang natatagong hukluban. Mga tanong na nagsisimula sa kailan, Paaabutin pa ba, hanggang magkauban? Biyaya ng karamihan, pagkasasaan mong tunay, Para mapagtakpan ang katawan mong may latay. Bulok! Bulok! Pagkataong nabugok, Lilinlangin ang mga matang inosente't walang dagok. Bata-bata, bakit ka ginawa? Pagtanda mo'y pitik ng sigwa, Mabubuhay ka na lang ba sa awa? Basagin ang pinggan,  Kumuha ng lyanera, Hintaying mapaso, ang bibig mong uhaw sa gyera. Sila ang makabagong bampira, Sa lamig ng gabi'y umaariba, Lasapin ang kagat, buhay ay bigyan ng lamat. Siyang nasa itaas ay nararapat, Dapat at sapat, Basbasan ng pasasalamat.

61 Biyahe Chronicles

Ang buhay, parang biyahe. Maraming "minsan", maraming " madalas". Minsan mahaba, minsan maikli. Minsan matuwid, madalas lubak-lubak. And the list goes on. Sa mahabang panahon na pag-gamit ng transportasyon, malamang sa alamang, maraming turo at kaalaman ang papasok sa isip natin. Maraming pasikot-sikot, liko, underground at overpass. Sa isang bansa na tinaguriang "Worst Traffic Country", kabi-kabila ang mga kamot sa ulo, bulsa at utak. Pero, hindi lamang sa traffic tayo makakapag-baon ng aral. Minsan sa simpleng pag-abot ng bayad ng aleng  nasa kabilang dulo ng jeep, sa mga student discount, pag-para at maraming pang iba ay may mga bagay na maaaring pagnilay-nilayan. Dahil dito, inilista ko ang iilan sa mga natunghayan, narealize, naranasan at napag-isipan ko sa matagal na panahong paggamit ng pampublikong transportasyon. 1. Kasinghirap ng exam sa calculus ang pagsakay ng masasakyan tuwing lunes ng umaga. 2. Kasinghirap ng pagsakay sa umaga ng l...

AlDub x Pastillas

There is a war between the bees. Fighting for flowers of red and blue. Unaware of the wandering grasshoppers, they battled for glory. The ants flew away, unexpectedly grew some wings. Flies shouting their chants, for the undeclared victory. The roaches crawl beneath the ground, planning for revolution. There is a sorrowful mumble, heard from the south, The aphids cry, the dragonflies gazed their prying eyes. Everything stopped. The lawn mower revved. 

Kasunod (Maikling Kwento - Rated PG)

Noong una’y ‘di niya mawari kung bakit hindi siya pinasasabak ng kanyang ate sa aksyon. Lagi na lamang sa tuwing sumusubok siyang pumailanlang, sumilip at makisali, titigil sila at itataboy siyang tila hayop. Bilin sa kanya’y huwag pumasok sa itim na silid. Hindi maaari. Ngunit tatlong taon ang binilang at matutupad na rin. “Dapat ako na lang.” Sumunod sa nakakatanda. ‘Yan ang naaalala niyang aral. Isang gabi lang naman ng aliw ang hinangad ni Ida. Hanap niya ay karanasan. Isang bagay na hindi niya makuha-kuha. “Salamat, Ate.” Maganda si Ida. Maibabalandra na niya sa harap ng nagkikislapan at mausok na entablado ang kanyang produkto. Mukhang pinaputi ng pulbos, mga matang pinintahan ng itim upang mapadali ang pang-aakit, mapupusyaw na labi – pinatingkad ng lipstik na eybon, naarbor niya sa kanyang ateng si Lupe. Tuwing gabi’y para silang mga dyosang naliligo sa kolorete at sa dilim ng gabi ikinubli ang mga pekas ng hita’t mukha. Kapital nila’y mga muk...

Lament of a Friend

Image
It was obviously a ridiculous thing that putting a scotch tape on me is the beginning of the end. It was two long years of service. You’re the boss, I’m the servant. It was slightly favourable. I like the thought of it - giving you the pleasure you desire as the main purpose of why I existed here. Every beating of your hands against your knee satisfies me. It tells me how you enjoy it. You pushed and pulled me several times through that electric realm, making me scream audible pleasure. I can feel your tremendous yearning to bring me anywhere you want to. I can’t help but to obey you. I promised myself to accept the fact that I’m your slave - a replaceable servant that has an obscure significant role in every tick of the travel clock. Remember how we used to sing our hearts out and being nonchalant to the surrounding distressed faces inside the train? It left me a lasting sensation of euphoria. When I was (literally) hanging around with you, I can feel your heart po...

On Track [2]

Been loving indie music. No need to elaborate much. So yeah, Enjoy this list!! ************************* 1. What You Know - Two Door Cinema Club Nice instrumentals.  This song knows heartbreaks on the line. When the relationship is hanging on the cliff. Pagdadalawang-isip. Pag-aagam agam. 2. Lisztomania - Phoenix Fandom 3. Do I wanna Know? - Arctic Monkeys Obsessive. Desperate. Lust. Nice music. 4. Hard To Say No - The Strypes It's really hard to say no. 5. Crooked Teeth - Death Cab for Cutie "And you can't find nothing at all, If there was nothing there all along." 6. Animal - Neon Trees Good vibes-ish rock 7. Run - The Ransom Collective #ProudPinoy OPM Indie music level up bruh. 8. I Will Follow You Into the dark - Death Cab For Cutie  This song + Attachment + Belief in forever = Tears 9. Undercover Martyn - Two Door Cinema Club ...

Haligi

Ikaw ang may-ari, Ng mga kamay na kinalyo sa trabaho, Mga matang tila pagod sa pagmulat, Mga paang laging namumulikat sa pagmamaneho. Mga pag-aagam agam. Mga responsibilidad. Ang mga pagtitiis. Mga luhang may pag-aatubiling umagos. Patunay na sa bawat umagang darating, patitibayin ang haliging ipinaigting. Ikaw ang may-ari -- Ng mga desisyon. Ng mga payo. Desisyon at payong maka-titiyak ng aming kinabukasan. Sa daanang hindi maaaring balikan. Sa landas na ipinataw mo sa aking kamalayan. Maaaring sa opisina, sa kalsada, sa paaralan, sa gusali at saan man mapadpad ng hangarin mong kami’y buhayin, Naroon ka, nagpapatuloy sa pakikipagbunuan para sa hapag ay may ihain. Na sa bawat sentimong ipinundar, kapalit nito’y Buhay na patuloy sa pag-andar. Mula sa pagpayag sa aking pagligo sa ulan Sa paglipat ng channel , Ang pag-ayos ng sirang gripo, bentilador, laruan at lovelife . Sa pagbigay ng dagdag- baon, Sa kamay mong mahahawakan na...

Conversations with Mr. Anxiety

Image
I met my old friend on my bed one peaceful night. He visited me, with his spiky long fingers creeping through my brain. His bean-shaped body seemed larger. I asked him how did he get through my strong mind again. “My tentacles are stronger than before.” He said. I can feel the blood in my veins flow spasmodically. The thumping in my chest is imploring to be felt. “You brought my favorite food,” He murmurs.  “Fear.” I ignore him. I failed.  He tried to recall those incidents. He succeeded. The agony was there, tearing my mind apart. I can’t sleep. I can’t breathe. This moment, I bet he’ll win. His tentacles were truly stronger than ever. Last time, he said that he’s my friend. Last time I’m glad he left. This night, he tries to reunite. He’s truly the worst friend ever. “Mr. Anxiety, how can I help you?” I asked unexpectedly. “You’re a masochist, I like that.” He said, laughing. “I’m vulnerably no match with you.” I presu...

What happens when you didn’t follow the Filipino Time

Image
The last convo said you’ll meet up at Cubao. Exactly 9 in the morning. The next day, the alarm woke you up. You arrived an hour early. Unexpectedly. You decided to take a stroll at random nearby malls to waste time but it gave you drenched-in-sweat clothes. Cubao obviously is a place for people searching for a tiring day. Stomach gave you a desperate growl. You continue to walk. Then there’s McDo and your 27 pesos in purse. You chose dine-in. Caramel sundae’s legit. Luscious caramel in your soft vanilla ice cream. A great time to spend time. You selected a four seater table. It was 8:27 am but the caramel sundae was near empty. About five small scoops. You question yourself why your phone didn’t receive the load you just bought from that pre-paid store. Regrets filled your mind. 13 pesos wasted. The only thing you chose to do was to plug in your earphones. 10 songs later, the phone screen lit up. The battery was running low. You cons...

On Track [1]

When silence can’t give you a period of harmony, a long bus travel boarding home bores your ears and when the reality of your world needs reconciliation, you already know what to do. Plug your earphones in. Sink in. Feel the beat, melody, harmony, heart and the soul. Do air-guitar or air-drum. Lip sync. You can now call it a day. Kung ang depinisyon ng tao sa pagiging Music enthusiast ay pagiging balisa kapag naiwanan ang earphone sa bahay, hindi basta-basta naghahanap ng Top Hits sa Billboard.com, hindi bias sa pakikinig ng mga mas sikat na artists, may pagmamahal sa lyrics, nakararamdam ng pinaghalu-halong emosyon kapag nakasalpak na sa tenga ang earbuds, may understanding sa trip na musika ng ibang tao at may music aspirations.. Siguro ako iyon. Inspired by our identity in diversity, culture, beliefs and traditions, all of us have the inner “Music Enthusiast” thing residing in mind. Mararamdaman mo naman ‘yan. The thing is, we should be thankful becau...