Kasunod (Maikling Kwento - Rated PG)






Noong una’y ‘di niya mawari kung bakit hindi siya pinasasabak ng kanyang ate sa aksyon. Lagi na lamang sa tuwing sumusubok siyang pumailanlang, sumilip at makisali, titigil sila at itataboy siyang tila hayop. Bilin sa kanya’y huwag pumasok sa itim na silid.
Hindi maaari. Ngunit tatlong taon ang binilang at matutupad na rin.


“Dapat ako na lang.”



Sumunod sa nakakatanda. ‘Yan ang naaalala niyang aral. Isang gabi lang naman ng aliw ang hinangad ni Ida. Hanap niya ay karanasan. Isang bagay na hindi niya makuha-kuha.


“Salamat, Ate.”


Maganda si Ida. Maibabalandra na niya sa harap ng nagkikislapan at mausok na entablado ang kanyang produkto. Mukhang pinaputi ng pulbos, mga matang pinintahan ng itim upang mapadali ang pang-aakit, mapupusyaw na labi – pinatingkad ng lipstik na eybon, naarbor niya sa kanyang ateng si Lupe. Tuwing gabi’y para silang mga dyosang naliligo sa kolorete at sa dilim ng gabi ikinubli ang mga pekas ng hita’t mukha. Kapital nila’y mga mukhang mas inaalagaan pa kaysa sa sariling kalusugan. Sa Edad na trese at dise-syete, natutong magbigay-aliw.



“Kung alam ko lang. Bakit pa kasi natin pinasok ang mundong ito?”




“Ate porener ‘yang pumasok! Jackpot ka!”
“Oo beh! Paupuin mo muna sa table number 6. Paganda lang ako.”
“Oy ate libre mo kong burger ha”
“Neknek mo”



“Eto na yung burger ko. Burger natin. Kainin mo na.”




Kasabay ng pagpasok ng Dyerman na tila isang anghel sa kanilang paningin ay ang pagliwanag ng mga matang naghahangad at umaasang ginto’t pilak na ang natagpuan. Mukhang nabighani ito sa Maligamgam KTV bar na kanilang pinagtatrabahuhan. Umorder ng dalawang boteng pale philsen ang dayuhang halatang maraming kahang dala.

Kinausap siya ni Lupe na may tinatagong hangarin.
Ilang sandali ng pakikipagtawaran sa serbisyong ilegal, sa isang maalinsangang silid dumiretso ang Dyerman. Sinundan siya ni Lupe.

Humarang si Ida.

“Hindi ka pwedeng sumali. Dose ka pa lang, Ida”
“Ate naman eh! Bihira lang magkaporener dito!”
“ ‘Di mo kakayanin! Wag ka na nga. Bibilhan na lang kita ng burger. Tumahimik ka na!”
“Ganyan ka naman eh! Gusto mo sa’yo lang!”



“Gusto mo sa’yo lang.”
“Dapat sabay tayo! Hating kapatid diba?”




Isang gabi ng aksyon. Si Lupe at ang porener. Nauunsyaming pinagsilbihan ni Ida ang mga costumer habang inaabot ang mga timba ng serbesa kasinlamig ng panahon.


“Hindi naman kasi mawawala kung sumunod ka sa mas bata sa’yo. Ayan tuloy.”
 “Tatlong taon na rin ate. Dapat ako na lang.”




Tinubuan ng mga sugat ang katawan ni Lupe. Nanghina at gabi-gabing sumisigaw sa sakit. Kasabay ng pagtulo ng mga nana sa sugat niyang bumabalot sa katawan ay ang mga luhang gusto niyang ikubli sa nakababatang kapatid. Hindi na siya makagulapay sa panghihina.



“Wala na akong kasama. Nasa selda si tatay, umuwi si nanay galing ibang bansa na hiwalay ang ulo sa katawan”




Isang porener na naman ang pumasok sa Maligamgam. Naisip niyang dise-sais anyos na sya at hinog na ang kanyang katawan. Tatlong taon na rin at wala na siyang iiwan pa kundi ang kanyang konsensya.




“Eto na ko ate, susundan na kita.”







Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)

Langaw (Maikling Kwento)