Modern Vampirism




Bakit maraming mga pinagpala,
Ng mga ugaling walang hiya?
Nasa kasulok-sulukan, kaibuturan, kalagitnaan!
Sa maruming tahanan, pati na rin sa lansangan
Humihimlay ang natatagong hukluban.
Mga tanong na nagsisimula sa kailan,
Paaabutin pa ba, hanggang magkauban?
Biyaya ng karamihan, pagkasasaan mong tunay,
Para mapagtakpan ang katawan mong may latay.
Bulok! Bulok!
Pagkataong nabugok,
Lilinlangin ang mga matang inosente't walang dagok.

Bata-bata, bakit ka ginawa?
Pagtanda mo'y pitik ng sigwa,
Mabubuhay ka na lang ba sa awa?
Basagin ang pinggan, 
Kumuha ng lyanera,
Hintaying mapaso, ang bibig mong uhaw sa gyera.

Sila ang makabagong bampira,
Sa lamig ng gabi'y umaariba,
Lasapin ang kagat, buhay ay bigyan ng lamat.
Siyang nasa itaas ay nararapat,
Dapat at sapat,
Basbasan ng pasasalamat.


Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)