61 Biyahe Chronicles
Ang buhay, parang biyahe. Maraming "minsan", maraming " madalas". Minsan mahaba, minsan maikli. Minsan matuwid, madalas lubak-lubak. And the list goes on.
Sa mahabang panahon na pag-gamit ng transportasyon, malamang sa alamang, maraming turo at kaalaman ang papasok sa isip natin. Maraming pasikot-sikot, liko, underground at overpass. Sa isang bansa na tinaguriang "Worst Traffic Country", kabi-kabila ang mga kamot sa ulo, bulsa at utak. Pero, hindi lamang sa traffic tayo makakapag-baon ng aral. Minsan sa simpleng pag-abot ng bayad ng aleng nasa kabilang dulo ng jeep, sa mga student discount, pag-para at maraming pang iba ay may mga bagay na maaaring pagnilay-nilayan.
Dahil dito, inilista ko ang iilan sa mga natunghayan, narealize, naranasan at napag-isipan ko sa matagal na panahong paggamit ng pampublikong transportasyon.
1. Kasinghirap ng exam sa calculus ang pagsakay ng masasakyan tuwing lunes ng umaga.
2. Kasinghirap ng pagsakay sa umaga ng lunes ang pag-uwi ng biyernes ng gabi.
3. Iba ang sayang dulot ng bus na maraming bakante. Lalo na sa may bintana.
4. Mayroong partikular na pwestong lagi mong inuupuan sa kahit anong uri ng transportasyon.
5. Masarap mag-isip ng mga bagay na malalamig habang tagaktak ang pawis sa biyahe.
6. 123 - Hindi ka tunay na alamat kung Hindi mo ito nagawa.
7. Ang mga tunay na spartan at makikita sa PNR, MRT at LRT line 1.
8. Higit na nakakahiya kung pati sa LRT nagpara ka pa.
9. Food trip at soundtrip sa bus ang mabisang pamatay ng pagod.
10. Walang student discount ang mga FX. Nalaman ko ito pagkatapos ng tatlong buwan na pagsakay dito. Kaya pala maraming tumutingin sa akin.
11. Ang estudyanteng naiiwanan, sa Trolley kumakapit.
12. Kapag late ka na, mas mataas ang percentage na magpapa-gas si manong.
13. May mga aircon bus na sauna sa init.
14. SONA - ang bangungot ng mga estudyanteng dadaan ng Commonwealth ave. na may pasok pa rin.
15. Swerte ka kapag ang tugtog sa jeep ay hindi jeje songs.
16. Makikita mo ang Sauron kapag binabagtas mo na ang QCMC.
17. May bayad sa jeep na gamit ay token ng poker.
18. Kapag nakatayo ka sa bus, isang malaking hamon ang mga sharp turns.
19. Minsan, nakadepende sa makakatabi mo ang mood mo sa buong biyahe.
20. May mga 10 meters distance dapat bago ka pumara. 'Pag nahuli, alay lakad ka ngayon.
21. Masakit sa puso ang makalimutan kang suklian. Lalo na kapag binigay mo na ang lahat.
22. May mga pedestrian talagang may kalahating toyo't suka sa utak.
23. Wala nang mas kakadiri pa kapag nabasa sa baha ang paa mo at nag-aircon bus ka pa.
24. Magkaiba ang "ma, para" sa "ma, sa tabi lang"
25. May mga jeep na kulang nalang ay maglagay ng tag na "biyaheng langit".
26. Patok ang Patok na jeep sa Patok na Aurora Blvd.
27. Mahirap tanggalin ang instinct na kailangan mong ingatan ang bag mo sa mga makikita mong balbas sarado.
28. Isa sa mga nakaka-kabang pangyayari ang pag-gamit ni manong ng shortcut at wala kang ideya kung saan kayo tutungo.
29. Maraming pagaagam-agam at pagmumuni-muni ang naganap sa bintanang side ng isang bus.
30. Isa ka nang bihasa kung kaya mong makatayo nang tuwid sa isang umaandar na bus.
31. Isang nakalulungkot na pangyayari ang ma-"standing" mula sa sinakyan mo hanggang sa bababaan mo.
32. Mas masakit ang ma-stranded kaysa sa ma-standing.
33. Sa panahon ngayon, isa sa tatlong taong nakahawak ng cellphone ay nagka-clanwars.
34. Lahat ng bus ay may nakasukbit na ticket sa kung saan-saan.
35. Ideal na konduktor : Payat
36. Ang paraan ng pag-para sa bus ay paglalakad malapit sa labasan habang umaandar ito.
37. Updated ang ibang bus sa mga movies ngayon. Pero intsik ang mga subtitle.
38. Masayang magpaka- "we are infinite" sa jeep lalo na kung patok ito at puno na.
39. Katumbas ng isang stick ng sigarilyo ang paghintay ng bus sa Cubao ng kalahating oras.
40. Maglaan ng mahigit apat na oras kung bibiyahe sa kahit saan na dadaan sa EDSA.
41. FX ang sagot sa tardiness.
42. Isang bihirang pangyayari na makaupo ang isang lalaki sa LRT, MRT at PNR.
43. Taxi - option of desperation .
44. "Full the string 2 staff"
45. "God only knows 'Hudas' not pay."
46. Isa sa mga iniiwasang upuan ay ang malapit sa driver. A.K.A the second conductor.
47. Ang tipikal na design na makikita sa jeep ay ang mga sumusunod: birheng Maria, cartoon character e.g. sponge Bob, Anime na muntik nang maging kamukha, mga litrato ng kamag-anak, Bible verses, kilalang litanya ng mga sikat, Sto. Niño, mga litrato ng mga babaeng kinulang ng tapis, mga hero sa Dota, ragnarok at pokemon, mga linyang stick-on, bola ng basketball, watawat ng Pilipinas, kabayo, tigre, Leon at mga mythical creatures.
48. Makapanindig-balahibo ang mga jeep na malakas ang tugtugan. Super bass. Parang libreng masahe sa likod sa lakas ng dagundong.
49. Childhood memories : maa-amputate ka kapag nilabas mo ang kamay mo sa bintana ng jeep.
50. Saludo ako sa mga tagasalba ng tricycle sa maliit na upuan.
51. Hotseat: earphone unplugged, speaker mode, Hotter seat : kanta ni Katy Perry, Hottest seat : I wanna see your peacock
52. OK lang lumagpas basta matapos ang movie.
53. Vandalism - kundi maselang bahagi, cellphone number. Minsan sa jeep, madalas sa bus.
54. Eavesdropper ability on kapag maiingay silang nagkekwentuhan ng confidential.
55. Maraming magagaling na magmo-monologue kapag nakarinig ng balita sa TV sa loob ng bus.
56. "Nanghihingi po kami ng tulong sa inyo..." *Turns earphones on*.
57. Sobre ng mga bata ang isa sa mga mahihirap lagyan ng pera. Unless convincing.
58. Minsan, mahirap maghold-on. You'll never know how much it hurts unil your bladder/stomach begs.
59. Mahirap din magmove-on, lalo na pag sa EDSA.
60. Barkers' conversion factor : 4 tao = 1 taong kasya pa.
61. Ang student discount ay kadalasang taken for granted.
Bukod dito, ano pa?
Ibahagi mo na yan! 😊
Comments
Post a Comment