Posts

Showing posts with the label Composition

Tin

Verse I: Ito ang oras na Lingon sa bintana Tingin sa kawalan Bulong sa karimlan Umusad ang lahat Hindi pa rin humupa ang mga hikbi Hindi nalilingid Chorus: Kung muling ibabalik ang mga alaala Siguro may ngiti pa rin Pagbibigyang pansin mga nasayang na tugon Tingin sa kawalan Hihilom din ang nagdaan Verse II: Hindi maintindihan Mga araw at buwan Hindi tatalikdan Kung nasaan ka man Umusad ang lahat Hindi pa rin humupa ang mga hikbi Hindi nalilingid Chorus: Kung muling ibabalik ang mga alaala Siguro may ngiti pa rin Pagbibigyang pansin mga nasayang na tugon Tingin sa kawalan Hihilom din ang nagdaan Bridge: Ala-alang nagdugtong Sa kahapong di na uusbong Kapalit ng bukas na lulong Panatag nang mga bulong

Sa Paglingon ko sa Bintana

Image
Kung mababatid lang sana ang dalirot na alintana, kung saan ika'y wala na sa paglingon ko sa bintana. Ginigiit ng agam-agam ang pakikiwari mong lagay. Sa pagsulyap sa mga dagat at ulap, habang tumutungo sa alapaap. Siguro'y ngiti mo'y lalago makita lamang ang mga bago. Susulyapan at pipiliting ilitrato, mga paa'y hindi na ulit mapapako. Mga lugar na ipinagkait habang danas ang tamis at pait. Kaligayaha'y kay tulin tangkain bakit tila walang pangitain? Kakalamin na naman, aalalahanin ang kaban, ngunit labis ang salimuot kung wala nang tanang babalikan. Gunita ang maikling kahapon, anas mo'y pag-asang aahon. Kami'y laging naroroon, tinangay na naman ng mga alon. Sana'y kung tawad ay tanggapin, ng iyong marmol na uma; kalakip ang natitirang ikaw, tangi bang sambit ay palahaw? Sa aking pagbalik, kwento ko pa kaya'y sabik; kung saan ika'y wala na sa paglingon ko sa b...

Execute (Maikling Kwento)

Image
Humakbang ako nang nakabusal ang bibig at may posas ang mga kamay. Dinala nila ako sa isang silid sa dulo ng rehas. Hindi ko magawang magreklamo at umalpas habang ginugunita ang mga pangyayaring nagdala sa akin dito. Sa amin, dito.  Tanang mga mata lamang ang aking ginalaw, hawak-hawak ang plackard na nagsasaad ng aking buhay at kasalanan. "Name: William Revilla, Height: 5'8", Weight: 120lbs, Crime Case #001273 Homicide" "Harap sa kanan." Humarap ako sa kanan. "Sa kaliwa." at sa kaliwa. "Tumingin ka rito. " Kumislap ang paligid, nanakit ang aking kalamnan. Ito na ang huli.  Tanggap ko na ang lahat.  Alam kong oras ko na. Oras na namin. Sa gitna ng madilim na silid, natanaw namin ang mga upuang may gapos. "Dito na 'ko at ang huli kong hininga." Anas ng aking katabi. Isinalpak sa aking mga tainga ang  Headphone . Ginawaran ko ng sulyap ang mga tao sa salamin, ang orasan at ang k...

Hikbi (Maikling Kwento)

Image
Ginising siya ng nakakatakot na hagulgol. Bumalikwas ang kanyang katawan patungo sa nanlalamig na kumot ng kanyang dapat ay natutulog na asawa. Naaalimpungatan, pilit niyang sinundan ang hikbi na nanggambala sa kanyang pagka-himbing. Inihudyat ng pitik ng liwanag mula sa labas ang hatinggabi sa orasan. Nanginginig niyang hinigit ang tumbol ng pintuan upang siyasatin ang ingay. Limang hakbang lamang at alam na niyang nasa kusina ang ingay. Nanlamig ang paligid nang tumungo siya sa kusina nilang tanging kidlat lamang sa labas ang ilaw. Nakakita siya ng silweta ng babae.  Nagsisimula nang magbutil-butil ang pawis niya sa kaba. Hindi iyon ang kanyang asawa! Hinigit niya ang plorerang nasa sulok habang sinisigurado ang kaligtasan. Huminga siya nang malalim. Nilabanan niya ng bahagya ang takot at pinindot ang switch . Doon sa mesa tumambad ang asawa niyang namumugto’t namumula ang mga mata; gulo-gulo ang buhok, hawak ang cellphone niyang may nakasukbit n...

Skeptical Alien

Image
What is it like to survive? It was a surprise, having my way out on my spherical chamber, breathing what you breathe, seeing what kind of planet your eyes have seen, living in the light and dark one moment at a time. It was mystical and ironic, having the idealism of destructing a beauty.  I have your eyes, nose and mouth. Wonderful senses. I left a home, and found another. You lost a home to live a life. We're even. What is it like to survive? You have brought this planet to its end. You proliferate but you cultivate diseases. The chemicals found its way to destroy. There's scattered blisters upon the surface, waiting to be healed. The living shed its death, now this is just to take away your habitat. What is it like to survive? The life of being dependent on your surroundings just to respire, digest and quench. To magically describe the unexplained affections between your species. I don't know. And I might not want to know. You sliced me up and now I k...

Some Wars are Won by Losing Gracefully

Weigh realities of presumed monstrositiy waiting for the bait, shame be to thee. A simple bark evoked fatuous spark, kindle a fury, all for a mind mischief. when baseless verity decipher a strike finding flaws, lacking ponder. reveal thyself, omit the proof, most may clap, but truth be known. little wings but braver soul can ravel on, and marvel on.

The Toll

V1: Passing the time by the hands of your clock Checking my life line I can't seem to tuck Faking a smile, letting go of the past Filling my mind with a thought flying fast I'm breaking I'm breaking But I'm standing after the fall Chorus: Take the toll Carry the weight of your world Convince yourself Hide in the words that you told Embrace all the fate that you hold V2: Finding the path, unconvinced with the fact Changing the flicker of light in my soul Driving too fast I can't hold off the clutch Doing the gamble between less and too much I'm shaking I'm shaking But I'm standing after the fall Chorus: Take the toll Carry the weight of your world Convince yourself Hide in the words that you told Embrace all the fate that you hold Bridge: Passing the time by the hands of your clock Filling my mind with a thought flying fast

Insight

Image
Tell the rays to always bide dazzle through and serve as guide the place of faded luster Where all is lack of ponder. When the light is much brighter eyes will cease to see it clear. When the vivid light is gone, roads will be a haunting path. Show us the rest of the world with conscious heart, mind and soul where everything is brisk sold to fruit a delight in whole.

Awa

Naaawa ako. Naaawa ako sa utak na kasimpurol na ng lapis sa labis na paggamit Sa kalamnang 'di na makakilos sa hinaharap na bagtas sa langit Mga paang pinaltos ng natatanging panahon Mga kamay na nanginig sa pagod at 'di maka-ahon. Naaawa ako sa mga bagang sana ay matiwasay na lumalanghap, Sa mga matang naghahangad ng alapaap Mga tengang lito sa dami ng pakikinggan Dilang pigil sa pagmutawi ng kabihasnan Naaawa ako sa maling paggawad ng sulyap Sa mga tuntuning ganap Ngunit kapos sa paglingap Batikos ay nilasap, Problema'y ibinuhos ng mga ulap. Naaawa ako sa sapantahang singkitid ng kanal Akala mo'y may tinatagong kagalinga't banal Bibig na 'di ginamitan ng utak Lulunurin ka sa ihinugot na putak. Naaawa ako sa mga salitang inilibing Sa ilalim ng talampakang naguunahan sa piging Sa ulo'y lumalabas-pasok Sinasayang at nagiging alabok. Naaawa ako sa paglaya Sa lahat ng paghingi ng ligaya Palalakasin ang ginawang pantasya Hahana...

Something You Need to Feel from the Artificial Romance

Something about the cold, The long night's walk Tapping knees by clasping fingers, Fantasies blinding while melodies flowing. The only knives left on your back are the words, Haunting, black and blue. Inks scattered, spiking its way through Exploding, trying to inflict its edge. Beautiful this world might be by pills, But solely the sender's note kills It creeps and terrorizes There's nothing on earth that's worse. Follow the pigeons, Believe in whitish blankets, guns and roses, Bedtime stories, your bestfriend's gossips Find what you're looking for, nothing more. Go north, the south says He who tried to bomb the sun, burns himself Not because of the heat, But from the never ending beat. It reverberates, Each ear anxious Hoping for retreat. How long will the crows fly? Till the drifting ends, The clocks tick a million times Aids the wounds, But will continue to bleed. Wise or fool, It's fate.

Modern Vampirism

Bakit maraming mga pinagpala, Ng mga ugaling walang hiya? Nasa kasulok-sulukan, kaibuturan, kalagitnaan! Sa maruming tahanan, pati na rin sa lansangan Humihimlay ang natatagong hukluban. Mga tanong na nagsisimula sa kailan, Paaabutin pa ba, hanggang magkauban? Biyaya ng karamihan, pagkasasaan mong tunay, Para mapagtakpan ang katawan mong may latay. Bulok! Bulok! Pagkataong nabugok, Lilinlangin ang mga matang inosente't walang dagok. Bata-bata, bakit ka ginawa? Pagtanda mo'y pitik ng sigwa, Mabubuhay ka na lang ba sa awa? Basagin ang pinggan,  Kumuha ng lyanera, Hintaying mapaso, ang bibig mong uhaw sa gyera. Sila ang makabagong bampira, Sa lamig ng gabi'y umaariba, Lasapin ang kagat, buhay ay bigyan ng lamat. Siyang nasa itaas ay nararapat, Dapat at sapat, Basbasan ng pasasalamat.

AlDub x Pastillas

There is a war between the bees. Fighting for flowers of red and blue. Unaware of the wandering grasshoppers, they battled for glory. The ants flew away, unexpectedly grew some wings. Flies shouting their chants, for the undeclared victory. The roaches crawl beneath the ground, planning for revolution. There is a sorrowful mumble, heard from the south, The aphids cry, the dragonflies gazed their prying eyes. Everything stopped. The lawn mower revved. 

Kasunod (Maikling Kwento - Rated PG)

Noong una’y ‘di niya mawari kung bakit hindi siya pinasasabak ng kanyang ate sa aksyon. Lagi na lamang sa tuwing sumusubok siyang pumailanlang, sumilip at makisali, titigil sila at itataboy siyang tila hayop. Bilin sa kanya’y huwag pumasok sa itim na silid. Hindi maaari. Ngunit tatlong taon ang binilang at matutupad na rin. “Dapat ako na lang.” Sumunod sa nakakatanda. ‘Yan ang naaalala niyang aral. Isang gabi lang naman ng aliw ang hinangad ni Ida. Hanap niya ay karanasan. Isang bagay na hindi niya makuha-kuha. “Salamat, Ate.” Maganda si Ida. Maibabalandra na niya sa harap ng nagkikislapan at mausok na entablado ang kanyang produkto. Mukhang pinaputi ng pulbos, mga matang pinintahan ng itim upang mapadali ang pang-aakit, mapupusyaw na labi – pinatingkad ng lipstik na eybon, naarbor niya sa kanyang ateng si Lupe. Tuwing gabi’y para silang mga dyosang naliligo sa kolorete at sa dilim ng gabi ikinubli ang mga pekas ng hita’t mukha. Kapital nila’y mga muk...

Lament of a Friend

Image
It was obviously a ridiculous thing that putting a scotch tape on me is the beginning of the end. It was two long years of service. You’re the boss, I’m the servant. It was slightly favourable. I like the thought of it - giving you the pleasure you desire as the main purpose of why I existed here. Every beating of your hands against your knee satisfies me. It tells me how you enjoy it. You pushed and pulled me several times through that electric realm, making me scream audible pleasure. I can feel your tremendous yearning to bring me anywhere you want to. I can’t help but to obey you. I promised myself to accept the fact that I’m your slave - a replaceable servant that has an obscure significant role in every tick of the travel clock. Remember how we used to sing our hearts out and being nonchalant to the surrounding distressed faces inside the train? It left me a lasting sensation of euphoria. When I was (literally) hanging around with you, I can feel your heart po...

Haligi

Ikaw ang may-ari, Ng mga kamay na kinalyo sa trabaho, Mga matang tila pagod sa pagmulat, Mga paang laging namumulikat sa pagmamaneho. Mga pag-aagam agam. Mga responsibilidad. Ang mga pagtitiis. Mga luhang may pag-aatubiling umagos. Patunay na sa bawat umagang darating, patitibayin ang haliging ipinaigting. Ikaw ang may-ari -- Ng mga desisyon. Ng mga payo. Desisyon at payong maka-titiyak ng aming kinabukasan. Sa daanang hindi maaaring balikan. Sa landas na ipinataw mo sa aking kamalayan. Maaaring sa opisina, sa kalsada, sa paaralan, sa gusali at saan man mapadpad ng hangarin mong kami’y buhayin, Naroon ka, nagpapatuloy sa pakikipagbunuan para sa hapag ay may ihain. Na sa bawat sentimong ipinundar, kapalit nito’y Buhay na patuloy sa pag-andar. Mula sa pagpayag sa aking pagligo sa ulan Sa paglipat ng channel , Ang pag-ayos ng sirang gripo, bentilador, laruan at lovelife . Sa pagbigay ng dagdag- baon, Sa kamay mong mahahawakan na...

Conversations with Mr. Anxiety

Image
I met my old friend on my bed one peaceful night. He visited me, with his spiky long fingers creeping through my brain. His bean-shaped body seemed larger. I asked him how did he get through my strong mind again. “My tentacles are stronger than before.” He said. I can feel the blood in my veins flow spasmodically. The thumping in my chest is imploring to be felt. “You brought my favorite food,” He murmurs.  “Fear.” I ignore him. I failed.  He tried to recall those incidents. He succeeded. The agony was there, tearing my mind apart. I can’t sleep. I can’t breathe. This moment, I bet he’ll win. His tentacles were truly stronger than ever. Last time, he said that he’s my friend. Last time I’m glad he left. This night, he tries to reunite. He’s truly the worst friend ever. “Mr. Anxiety, how can I help you?” I asked unexpectedly. “You’re a masochist, I like that.” He said, laughing. “I’m vulnerably no match with you.” I presu...

Isneyr

Noong ang bigat niya’y tatlong kilo, Pasan ng amo sa marumi niyang balahibo, Inilagay bilang tagadagdag sa pondo Sa isang seldang ginawa para sa negosyo. Sadlak ngunit maligaya, Nabuhay sa dumi’t putik nang masaya. Nakipaglarong laging taya, Mga kasama niya’y isa-isang pinapalaya.. Gamot ay inihalo sa kanyang dugo, Itinurok pagkatapos nilang maligo; Pinalaki ang kani-kanilang katawan Nang sa gayo’y mas mapakinabangan. Pangarap niya’y kahulilip ng langit, Makatakas sa seldang bakal nang saglit. Abutin ang ulap at gumawa ng mga guhit, Kalayaan sa pasakit ay makamit. Inabangan ang pagbuhos ng ulan, Lamig ang ninanais sa marumi niyang kulungan. Nagbakasakaling baka maranasan Ang karangyaan sa labas ng tahanan. Kinalam ng panahon ang sikmura, Nakaranas ng matinding pagaalimura. Pagsisisi ang yumakap sa konsensya Nagmistulang kasalanan sa amo ang paglaya. Nawala sa kakahuyan, Bakas ng kanyang yapak patungo sa bagong tirahan....

Pulitika, Refrigerator at Butter

Madilim. Minsan maliwanag. Pero ‘minsan’ pa din. Malamig. Malamang, Ref nga eh. Unless bubuksan mo. Naninigas na ang lahat at nahihirapang huminga. Higit na naaapektuhan ang mala-kahong katawan ni Butter. “Tulungan mo akong makalabas dito!” Mga salitang pilit na isinambit kay Cheese. “Matutunaw ka lang rin. Bakit ba gusto mong lumabas?” Nangangatal na anas ni Cheese. “Baka sakaling magamit nila ako.” Pamumutawi ni Butter. “At para makasama ko na rin ang mga Tinapay.” “Hindi lang ikaw ang naaapektuhan, Butter!” Sabi ng nagyeyelong piraso ng katawan ni Manok na nanggagaling mula sa itaas. “Mahihirapan lang silang gamitin ka. Tignan mo nga ako, inilagay dito sa freezer para tumigas, palalambutin din naman. Tama nga at tapat ang iyong nais.” Sabi ng matigas-tigas na ring Laman ng Baka. “Bakit kayo ganyan, ako nga binalatan ng buhay eh!” Sabi ni Patatas. In behalf of Carrots. “Ayaw nila sa amoy ko, kaya ipinasok nila ako. Tama ba ‘yun?” Sino pa...

Impede

Oceans painted black Like those great days that we lack Stuck in this very memory Trying to be reminisced by our melody Remember those waves passing through When stars and moon lit anew Am I this crazy being stupid Our paths and hearts arrowed by this cupid You poured out fragile heart Crumbled by the words made of knives Free at last but the harmony’s not an art Barriers of fears came hampering our lives Why do clouds have their silver linings, if destiny keeps giving unfortunate endings?

Finding Nemo

They say, you’re a friend: Or maybe a foe. Or maybe more than that. Anyhow, I’ll call you mine. You’ve brought someone laughter. Joy. Tears. Melancholy. Everything that makes you, yourself. Have we met already? Barely. They say you’ll be the star in the sky, bringing that tiny light in my bleakest night. You’ll come to illuminate my darkest blackout. In every little way, you’ll make me smile. Skip a heartbeat. Laugh. Cry. Believe. I’ll be in need of your embrace when the earth’s falling, crashing behind my back. Your words when I lack. Melodies of yours when the room is bleak silent. Somehow you’ll be plucking my heartstrings harmoniously once in a while. Preparing delightful stuff for my brawling stomach when I come back in our dwelling. I wonder how you’ll be doing that; I only made you up in my mind. I always had these dreams of fiction turning to reality. How an ordinary, powerless man can soar swiftly through the cl...