Tin











Verse I:
Ito ang oras na
Lingon sa bintana
Tingin sa kawalan
Bulong sa karimlan

Umusad ang lahat
Hindi pa rin humupa ang mga hikbi
Hindi nalilingid


Chorus:
Kung muling ibabalik ang mga alaala
Siguro may ngiti pa rin
Pagbibigyang pansin
mga nasayang na tugon
Tingin sa kawalan
Hihilom din ang nagdaan


Verse II:
Hindi maintindihan
Mga araw at buwan
Hindi tatalikdan
Kung nasaan ka man

Umusad ang lahat
Hindi pa rin humupa ang mga hikbi
Hindi nalilingid


Chorus:
Kung muling ibabalik ang mga alaala
Siguro may ngiti pa rin
Pagbibigyang pansin
mga nasayang na tugon
Tingin sa kawalan
Hihilom din ang nagdaan


Bridge:
Ala-alang nagdugtong
Sa kahapong di na uusbong
Kapalit ng bukas na lulong

Panatag nang mga bulong

Comments

Popular posts from this blog

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)

Food Technology - A view from a sophomore