Execute (Maikling Kwento)
Humakbang ako nang nakabusal ang bibig at
may posas ang mga kamay. Dinala nila ako sa isang silid sa dulo ng rehas.
Hindi ko magawang magreklamo at umalpas
habang ginugunita ang mga pangyayaring nagdala sa akin dito. Sa amin, dito. Tanang mga mata lamang ang aking ginalaw,
hawak-hawak ang plackard na nagsasaad ng aking buhay at kasalanan.
"Name: William Revilla, Height: 5'8",
Weight: 120lbs, Crime Case #001273 Homicide"
"Harap sa kanan." Humarap ako sa kanan.
"Sa kaliwa." at sa kaliwa.
"Tumingin ka rito. "
Kumislap ang paligid, nanakit ang aking kalamnan.
Ito na ang huli.
Tanggap ko na ang lahat.
Alam kong oras ko na. Oras na namin.
Sa gitna ng madilim na silid, natanaw namin
ang mga upuang may gapos.
"Dito na 'ko at ang huli kong
hininga." Anas ng aking katabi.
Isinalpak sa aking mga tainga ang Headphone. Ginawaran ko ng sulyap ang mga tao sa salamin, ang orasan at ang
kalendaryo.. Alas diyes na pala, gabi ng ikapito ng Nobyembre. Taong 2057.
Sandali na lang at magsisimula na ang "bitay".
"Doobi doobi dap dap doobi doobi dap dap sabi ng jeep, sabi ng jeep"
Tatlong ulit lang at nalagutan ako ng hininga.
Comments
Post a Comment