“Bachelor of Science in Food Technology, ‘diba nagluluto-luto kayo?”, “Parang BS HRM lang yan na hinaluan ng Technology.” “Pudtek? Pudtek na course yan! Ano yun?” “Bakit ganyan, dapat nag *insert popular course* ka na lang! ‘Diba magaling kang *insert talent/skill/ability here*?” These questions were known as “Those default questions” para sa aming FT students and soon to be food technologists. With a default expression : Madalas nang marinig ng bawat estudyanteng nangangalbaryo/ naguguluhan/natutuwa/napipilitan/naaalibadbaran/nakokonsensya sa tinatahak nilang landas patungo sa course na BSFT ang mga katanungang tulad nito. Bakit nga ba? 3 possible answers: 1. Walang idea sa course 2. Walang Idea sa course 3. Walang idea sa course Food is a necessity for us to sustain life. It gives nourishment and it maintains well-being. Hanggang dito na lang ba? Kapag tinatanong ako ng mga tao tungkol sa kung ano daw ang sumapi sa akin ba
Hanggang saan aabot ang dose pesos mo? isang plastik-basong palamig na may tatlong hibla ng kinayod na buko dose pirasong sweet corn na chichirya pamasahe mula PhilCoa to Sandiganbayan - presyong estudyante isang unit ng subject sa PUP Main Kung susumahin, sa loob ng apat na taong pagiging estu(pi)dyante ng PUP Sta. Mesa, napakarami ko nang mababahaging kwento sa mga taong interesado sa Sintang Paaralan. Sa sobrang dami (at sa katamaran ko), baka i-link ko pa kayo sa mga meme page nila sa FB at Twitter. Pero dahil ang lente ng kamera ng tab ko (na 5mp lang naman) ay sadyang nadestino sa aking mga kamay, magpapalaganap ako ng mga litratong baka maitabi ko sa sulok ng internet. Bilang isang BS Food Tech student na nakaranas ng napakaraming stereotyping/prejudice habang ikinikweto sa mga kakilala kung ano yung kinuha kong course , sinubukan kong magtala ng mga mga natatanging litratong kinuha ko na may tatak na sa isip ko. Dahilan: 1. Trip lang. 2. Ewan ko.
" Naglalakad ang mga ideya, lumiliyab sa kaibuturan ng sapantahang lugami at sawi. Mainit, mabigat at malalim na kagustuhan. Una'y sumidhi, ngayo'y tumutungo na sa karimlan." Marami kami. Mas marami kayo. Kasalanan niyo naman iyan. Wala akong magagawa. Kung mayroon man, hindi niyo magugustuhan. Kasalanan niyo 'to. Kasalanan ko rin. May mangyayari pa ba rito? Masarap maging ganito. Mas masarap maging kayo. Kadiri ako, kaparehas ninyo. Dzzzt. Dzzzzt. Dzzzt. Sinubukan kong alalahanin ang mga pangyayari. Naway magtagumpay ako. ----------------------------------------------Unang Bahagi-------------------------------------------- Hugas kamay, hugas kamay. Pahid likod, hagod pakpak. Madalas sa aking pangaraw-araw ang ganito. Tae. Basurahan. Bulok. Masangsang. Isa itong masarap na almusal, tanghalian, meryenda o hapunan. Yum, yum, yum ! Kahit saan, kahit kelan. Dzzt Dzzzzt.. Marami-rami sila. Silang nagpapakasasa. Baka mahuli pa ako, ang dami kasi nila. T
Comments
Post a Comment