Posts

Showing posts from November, 2014

Food Technology - A view from a sophomore

Image
“Bachelor of Science in Food Technology, ‘diba nagluluto-luto kayo?”, “Parang BS HRM lang yan na hinaluan ng Technology.” “Pudtek? Pudtek na course yan! Ano yun?” “Bakit ganyan, dapat nag *insert popular course* ka na lang! ‘Diba magaling kang *insert talent/skill/ability here*?” These questions were known as “Those default questions” para sa aming FT students and soon to be food technologists. With a default expression : Madalas nang marinig ng bawat estudyanteng nangangalbaryo/ naguguluhan/natutuwa/napipilitan/naaalibadbaran/nakokonsensya sa tinatahak nilang landas patungo sa course na BSFT ang mga katanungang tulad nito. Bakit nga ba? 3 possible answers: 1. Walang idea sa course 2. Walang Idea sa course 3. Walang idea sa course Food is a necessity for us to sustain life. It gives nourishment and it maintains well-being. Hanggang dito na lang ba? Kapag tinatanong ako ng mga tao tungkol sa kung ano daw ang sumapi sa akin ba

Ask.fm #3

Can you differentiate love from infatuation? If yes, what are the differences and the similarities? I really need your advice! Thanks talaga. :D To make it simple, nagkakaiba sila sa kung gaano katibay at katatag ang outcome ng relationship. Infatuation = Overwhelmed yung emotions mo by lost and unreasonable desires. Yung tipong unang kita mo pa lang, BLAGADAAAAG. May impact na. 'Di mo mapaliwanag, nawawala ka sa sarili at nagkakaroon ng attraction na kahit mga simpleng gawain lang ng taong yun na ginagawa ng ordinaryong nilalang ay kinikilig ka na. It flourishes on perfection. Selfish kasi ito at para lang ma-satisfy natin yung desire. Normal lang na magkaroon nito dahil lahat tayo may hormonal activity at naguumapaw yung oxytocin, at karamihan sa mga relationships, dito nagsisimula. It is more likely to be called 'crush' kasi medyo parehas sila. Kadalasan, mabilis matapos ang emotion na ito kasi nahuhumaling lang tayo sa unang tingin. Parang "Takaw mata&qu

Amplified

Image
“Isang hapon noon, umaaab pa sa isipan ang mga pangyayaring naganap. Isang tinig ng kaibigan ang pumukaw sa aking pandinig, galing sa likuran, ito’y dumagundong sa aking lamlam na mga tainga. Inaanyayahan niya akong pumunta sa silid na iyon. Wala sa aking ulirat ang mga nangyayari. Walang anu-ano’y sumunod na lamang ako. Naroon ako naglalakad, inaabayan ng isang kaibigan patungo sa silid na iyon. Sapantaha ko’y pinuno at namutiktik sa pag-aagam-agam. Hanggang ako’y nakapasok sa silid na karamihan ay yari sa salamin. Isang itong obre-maestrang gawang-paham na anluwagi. Naroon sila.  Pasensiyosong naghihintay. Parang may nais silang sabihin ngunit binibitin para sa ‘di ko mawaring dahilan. Pinilit kong basahin ang kani-kanilang pag-iisip ngunit ako’y nabigo. Kahulilip ng langit ang kabang nararamdaman. Nabawasan ito ng bahagya sa paghihinuhang marami kaming bagong salta na naroroon. Tatap ng isipan na may kakaibang mangyayari, kaya kinalagan ko ang saril

Halloween

Image
Happy Halloween! Kumusta kayo? Kamusta ang lagay ng mga kababayan nating nakikipagbunuan sa siksikan sa sementeryo upang dalawin ang mga yumaong minamahal sa buhay? Heyyaa! Saludo ako sa inyo. Laganap na naman ang mga katatakutan at kung anu-ano pang mga bagay tungkol sa mga espiritu-engkanto-chukchackchenez na mga yan. Marami na namang mga party-party na magaganap tapos may mga pagandahan/patakutan/pamahalan ng mga halloween costumes ang bibida. Trapik na naman sa NLEX, SLEX, SCTEX, CAVITEX at Edsa dahil sa mga lumuluwas para bumisita sa mga puntod at mga nagdedecompose na mga katawan. For sure, isa na namang pagsubok ang pag-ihi sa CR dahil sa mga pisting palabas sa T.V. dahil puro “Halloween Special” patok na patok ang mga palabras ng pang todos los santos. Para gawing makatotohanan ang Ika-una ng Nobyembre at para maramdaman natin ang kilabot na dulot nito,mayroon akong ipapamahagi na mga kwentong katatakutan na masasabi kong namukod-tangi sa laha