Tagot

May mga katanungan talagang kahit pilitin mo pang hagilapin ang pinaka-maalikabok na baul sa iyong kalooban ay tila walang mahitang sagot. Magkanda-leche-leche na ang mga brain cells mo at parang nangangailangan ka na ng biogesic sa sakit ng ulo mo, dehins pa rin kuha ang sagot. Mula sa problema mo, problema ng iba, problema ng bansa, problema ng kapitbahay, naipagsasanga-sanga ito ngunit napalalayo lamang. Malamang sa hindi ay kailangan natin ang sagot.

Bakit ba kailangan ang sagot?
Marahil may nais malaman.
Kung malaman, may mangyayari ba?
Kung may mangyayari, makakatulong ba?
Kung makakatulong, matutuwa ka ba?
Kung matutuwa, bakit ba kailangan?

Palawakan ng isip, pagalingan ng diskarte.
Sadyang masasayang lamang ang bawat paghugot ng sagot kung iisipin. Ang sagot ay nasa paligid lamang, 'di na kailangan pang galugarin sa kung saan-saang parte ng iyong utak at sa utak na rin ng iba. Ngunit sa isang banda, ang mga katanungang 'di natin mahagilap ang magbibigay ng isa pang posibilidad ng katanungan. Na magpapausbong sa isa pang katanungan. Na aabot hanggang sa kailaliman ng katanungan na sa simula pa lang ay isinambit.

Tanong lang nang tanong, sabi ng hangin.
Sagot lang nang sagot, sabi ng lupa.






Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)

Langaw (Maikling Kwento)