Kabado
Blagadag.
Bawat segundo'y may dagdag.
Kumakabog-kabog ang dibdib.
Kulang na lang ay lumabas,
ang nagkukumahog na puso
at napupuno na ang apdo.
Maingay, pinupukol ang tenga
pati ang mga nanunuyong labi.
Nanginginig. Ngumangatal.
Lahat ng dugo'y biglaang dumaloy,
masidhing dumaan sa bawat ugat,
nanalaytay kasinlakas ng agos ng dalampasigang tigang sa bagyo.
Pawis ay kasalukuyang namumuo
sa balat kong nanlalamig,
naghihintay nang tumulo.
Nahihiya,
Natatakot,
Sa mga maaaring mangyari.
Tila 'di na nagbago.
Ilang beses na ba?
ang engkwentro,
ang pag-hango,
ang pagharap?
Kailan ulit gagawin,
ang pagka-utal,
ang pag-sambit,
ang pagkakamali?
Kahit saan,
Kahit kailan,
Mga pangyayari,
na dapat paghandaan.
Masasayang ala-ala,
Kailan ka ba babalik?
Atensyon nila'y nasira,
Kasabay ba nito'y,
atensyon mong sinira?
Mamumuhay na lang ba sa nakaraan,
Nang sa gayo'y harapan nang mapagsuklaman?
Comments
Post a Comment