Reklamo

Nakaraang mga araw, mala-pugon na init mula sa sinag ng araw at init ng ulo ang naranasan ng madla. Bakas sa mga balat kong inuling na sa itim, utak kong nagnanais ng limang-beses-sa-isang-araw na pagligo at pagtampisaw sa malamig-lamig na tubing sa gripo. Pagsapit ng tanghali, tumatagaktak ang pawis at nakalilkha ito ng mala-mapang imahe sa ating mga kasuotan, lalo na sa bandang kili-kili. Madalas na maririnig, makikita at mababasa ang mga katagang "ang ineeet", "sobrang init", "waaahhh... ligo mode" at ang bukod tanging "Gusto kong mag-swimming!!"

Ramdam ng marami ang sinasabi ng mga eksperto. Global warming o Climate change, ika nga nila. Dahil daw sa malawakang pagputol ng puno't pagsunog nito. Kaya daw nagiging mainit ay dahil nakakalbo ang kagubatan at bulubundukin sa iba't ibang panig ng mundo, pagbuga ng mga nakasusulasok na kemikal galing sa mga pabrika at pumapaimbabaw sa kaulapan at bumubutas sa Ozone layer.

Saan ba gawa ang mga pabrika at ano ang pangunahing papel nito sa mundo?

Ehem ehem.
Nakatutulong at nakasisira?
Reklamo pa.

Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)