Sa Paglingon ko sa Bintana






Kung mababatid lang sana
ang dalirot na alintana,
kung saan ika'y wala na
sa paglingon ko sa bintana.

Ginigiit ng agam-agam
ang pakikiwari mong lagay.
Sa pagsulyap sa mga dagat at ulap,
habang tumutungo sa alapaap.

Siguro'y ngiti mo'y lalago
makita lamang ang mga bago.
Susulyapan at pipiliting ilitrato,
mga paa'y hindi na ulit mapapako.

Mga lugar na ipinagkait
habang danas ang tamis at pait.
Kaligayaha'y kay tulin tangkain
bakit tila walang pangitain?

Kakalamin na naman,
aalalahanin ang kaban,
ngunit labis ang salimuot
kung wala nang tanang babalikan.

Gunita ang maikling kahapon,
anas mo'y pag-asang aahon.
Kami'y laging naroroon,
tinangay na naman ng mga alon.

Sana'y kung tawad ay tanggapin,
ng iyong marmol na uma;
kalakip ang natitirang ikaw,
tangi bang sambit ay palahaw?

Sa aking pagbalik,
kwento ko pa kaya'y sabik;
kung saan ika'y wala na
sa paglingon ko sa bintana?



Comments

Popular posts from this blog

Food Technology - A view from a sophomore

Langaw (Maikling Kwento)

Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)