Kirot
Mahirap ang masaktan. Masakit ang mawalan.
Naranasan na siguro ng karamihan na ang mauntog at madapa sa mabatong kalsada.
Marahil ang mapaso at magkapaltos ay isa na rin.
Ang masugatan ng matalim na kutsilyo.
Magasgasan, mapilayan o mabalian ng buto.
Matapilok at magkastipnek.
Ang magkaroon ng pagkarami raming singaw sa bibig.
Ang pagkapisa ng tigyawat o ng pigsa.
Ang madulas sa banyo at magkaimpatso.
Masakit hindi ba?
Masaya. May aral. Ngunit masakit. Mahirap. Lalong lalo na kung wala kang kalayaan.
Welcome to Earth!
Kung tutuusin, ang pisikal na sakit ay walang binatbat sa sakit na emosyonal.
May mga sigaw na yumayakap sa tainga, yung iba naliligaw lang sa kawalan at nais din marinig. Marunong ka bang kumilatis? Kung anuman ang iyong sagot, masakit at masaya ang magiging huling hantungan.
Mabuhay ka't pakiramdaman mo ang mga ito!

Comments
Post a Comment