Execute (Maikling Kwento)
Humakbang ako nang nakabusal ang bibig at may posas ang mga kamay. Dinala nila ako sa isang silid sa dulo ng rehas. Hindi ko magawang magreklamo at umalpas habang ginugunita ang mga pangyayaring nagdala sa akin dito. Sa amin, dito. Tanang mga mata lamang ang aking ginalaw, hawak-hawak ang plackard na nagsasaad ng aking buhay at kasalanan. "Name: William Revilla, Height: 5'8", Weight: 120lbs, Crime Case #001273 Homicide" "Harap sa kanan." Humarap ako sa kanan. "Sa kaliwa." at sa kaliwa. "Tumingin ka rito. " Kumislap ang paligid, nanakit ang aking kalamnan. Ito na ang huli. Tanggap ko na ang lahat. Alam kong oras ko na. Oras na namin. Sa gitna ng madilim na silid, natanaw namin ang mga upuang may gapos. "Dito na 'ko at ang huli kong hininga." Anas ng aking katabi. Isinalpak sa aking mga tainga ang Headphone . Ginawaran ko ng sulyap ang mga tao sa salamin, ang orasan at ang k