Snap About (PUP Sta. Mesa Nostalgics)
Hanggang saan aabot ang dose pesos mo? isang plastik-basong palamig na may tatlong hibla ng kinayod na buko dose pirasong sweet corn na chichirya pamasahe mula PhilCoa to Sandiganbayan - presyong estudyante isang unit ng subject sa PUP Main Kung susumahin, sa loob ng apat na taong pagiging estu(pi)dyante ng PUP Sta. Mesa, napakarami ko nang mababahaging kwento sa mga taong interesado sa Sintang Paaralan. Sa sobrang dami (at sa katamaran ko), baka i-link ko pa kayo sa mga meme page nila sa FB at Twitter. Pero dahil ang lente ng kamera ng tab ko (na 5mp lang naman) ay sadyang nadestino sa aking mga kamay, magpapalaganap ako ng mga litratong baka maitabi ko sa sulok ng internet. Bilang isang BS Food Tech student na nakaranas ng napakaraming stereotyping/prejudice habang ikinikweto sa mga kakilala kung ano yung kinuha kong course , sinubukan kong magtala ng mga mga natatanging litratong kinuha ko na may tatak na sa isip ko. Dahilan: 1. Trip lang. 2. Ewan ko.