Posts

Showing posts from November, 2015

On Track [3]

It's been a long time.  Been very busy these days, syempre buhay kolehiyo. 3rd year 2nd Sem. Pasalamat ako mayroong bumulong sa akin na gawin ito. :D I hope many will appreciate my appreciation. So, without further adieu, here you go!! 1. Young The Giant - Anagram This song makes me cringe every time. Good blending of instruments. Nice arrangement. POETIC! This became my travelling companion. 2. Glass Towers - Tonight Sounds like Two Door Cinema Club, but with distinct rock vibe. Good song. 3. Young The Giant - Daydreamer This song deserves more than just one listening.  4. Kimbra - Wandering Limbs Soulful, great harmony and great cover. 5. Tame Impala - The Moment Soothing electronica/psychedelic vibe.  6. Tame Impala - Less I Know the Better Good vibes!! The bassist killed it! 7. December Avenue - Ears and Rhymes Awesome OPM. Drammatic. The melody just made me ask for more. ...

Modern Vampirism

Bakit maraming mga pinagpala, Ng mga ugaling walang hiya? Nasa kasulok-sulukan, kaibuturan, kalagitnaan! Sa maruming tahanan, pati na rin sa lansangan Humihimlay ang natatagong hukluban. Mga tanong na nagsisimula sa kailan, Paaabutin pa ba, hanggang magkauban? Biyaya ng karamihan, pagkasasaan mong tunay, Para mapagtakpan ang katawan mong may latay. Bulok! Bulok! Pagkataong nabugok, Lilinlangin ang mga matang inosente't walang dagok. Bata-bata, bakit ka ginawa? Pagtanda mo'y pitik ng sigwa, Mabubuhay ka na lang ba sa awa? Basagin ang pinggan,  Kumuha ng lyanera, Hintaying mapaso, ang bibig mong uhaw sa gyera. Sila ang makabagong bampira, Sa lamig ng gabi'y umaariba, Lasapin ang kagat, buhay ay bigyan ng lamat. Siyang nasa itaas ay nararapat, Dapat at sapat, Basbasan ng pasasalamat.