Posts

Showing posts from June, 2014

Tagot

May mga katanungan talagang kahit pilitin mo pang hagilapin ang pinaka-maalikabok na baul sa iyong kalooban ay tila walang mahitang sagot. Magkanda-leche-leche na ang mga brain cells mo at parang nangangailangan ka na ng biogesic sa sakit ng ulo mo, dehins pa rin kuha ang sagot. Mula sa problema mo, problema ng iba, problema ng bansa, problema ng kapitbahay, naipagsasanga-sanga ito ngunit napalalayo lamang. Malamang sa hindi ay kailangan natin ang sagot. Bakit ba kailangan ang sagot? Marahil may nais malaman. Kung malaman, may mangyayari ba? Kung may mangyayari, makakatulong ba? Kung makakatulong, matutuwa ka ba? Kung matutuwa, bakit ba kailangan? Palawakan ng isip, pagalingan ng diskarte. Sadyang masasayang lamang ang bawat paghugot ng sagot kung iisipin. Ang sagot ay nasa paligid lamang, 'di na kailangan pang galugarin sa kung saan-saang parte ng iyong utak at sa utak na rin ng iba. Ngunit sa isang banda, ang mga katanungang 'di natin mahagilap ang magbibigay ng is

Kabado

Blagadag. Bawat segundo'y may dagdag. Kumakabog-kabog ang dibdib. Kulang na lang ay lumabas, ang nagkukumahog na puso at napupuno na ang apdo. Maingay, pinupukol ang tenga pati ang mga nanunuyong labi. Nanginginig. Ngumangatal. Lahat ng dugo'y biglaang dumaloy, masidhing dumaan sa bawat ugat, nanalaytay kasinlakas ng agos ng dalampasigang tigang sa bagyo. Pawis ay kasalukuyang namumuo sa balat kong nanlalamig, naghihintay nang tumulo. Nahihiya, Natatakot, Sa mga maaaring mangyari. Tila 'di na nagbago. Ilang beses na ba? ang engkwentro, ang pag-hango, ang pagharap? Kailan ulit gagawin, ang pagka-utal, ang pag-sambit, ang pagkakamali? Kahit saan, Kahit kailan, Mga pangyayari, na dapat paghandaan. Masasayang ala-ala, Kailan ka ba babalik? Atensyon nila'y nasira, Kasabay ba nito'y, atensyon mong sinira? Mamumuhay na lang ba sa nakaraan, Nang sa gayo'y harapan nang mapagsuklaman?

Sulat

Ikaw ang magiging ako sa takdang panahon.  You should read this when I have undergone several years of biochemical reaction, with the same genetic code, carbon compounds and DNA. How’s life? I know you’ve grown, hopefully physically but preferably mentally, spiritually and emotionally, at kahit anong may ‘ly’. Marami na sigurong nagliliparang kotse sa kalsada na nasakyan mo na. Marami na ring tao ang nagmamay-ari ng mga teleponong touchscreen, mapa-transparent, bendable o kahit hologram. Marami na ring mga pagkain ang naiimbento, yung iba doon palagay ko, nagustuhan mo na. Siguro may mga makabagong patakaran na nailathala sa panahon mo. Sana naimbento na nila ang matagal na nating pinapangarap na teleportation. Siguro naman, walang mala-Hunger Games na palaro diyan. Wag ka naman din sanang maging Divergent kung may mga faction na. Higit sa lahat, wag mo akong pagsisisihan.