Posts

Showing posts from May, 2014

Pagpapakilala

Tumingin ka sa kaliwa't kanan. Pagmasdan mo ang paligid. Sa kalsada, sa tabi-tabi, sa madidilim na sulok ng siyudad, sa mga pasikot-sikot na daan ng nagsisikipang eskinita. Makikita mo ako. Kamusta naman kayo? Ako, eto nambibiktima pa rin. Sabi nila, isa akong kriminal. Hindi naman eh! Kasalanan ko bang sila ang lumalapit? Pinili nilang dumaan dito sa madilim kong daanan, tapos sisisihin nila ako? Okey. Sabihin man nilang kriminal ako, may magagawa ba sila? Meron. Pero mukhang nagugustuhan na ata nila. Marami na akong nabiktima. Sila ay walang habag kong iginapos. Pilit silang tumatakas ngunit 'di makaalpas. Mapa-bata man at matanda, basta't nasa mundong ito ay walang takas sa matatalim kong pangil, matatalas kong kuko, misteryoso kong mukha at madilim kong kapalaran. Sa oras na ika'y magapi ng aking naglalakihang kamay, hinding-hindi kita pakakawalan, sapagkat kasalanan mo rin ang lahat. Kapag napasakamay na kita, ipapasubo ko ang

Musika

“Music expresses that which cannot be put into words and that which cannot remain silent” ― Victor Hugo Hindi nakikita ngunit buhay. May puso at damdamin. Nakalilikha at nakakasira. May ipinahihiwatig. Nangungusap, marahil sa iyo at sa kailaliman ng iyong puso't kaluluwa. Musmos pa lang, nakitaan ko na ang aking sarili na may pagmamahal sa musika. Sa paggunita ko sa mga panahong iyon, bumabalik ang mga ala-alang nakalilikha ng ngiti, 'di lamang sa aking mga labi, maging sa mga taong nakapaligid sa akin, noon. Kapag sumapit na ang mga okasyon tulad ng mga reunion, araw ng Pasko, Bagong taon, maging sa Semana Santa o kahit anong araw na trip nilang magrenta ng videoke, mapa-probinsiya man, sa bahay ng tito at tita o sa aming bahay ay 'di maiiwasang ako'y mapa-awit. Ang siste, may mga naitatagong kaban ang aming mga tito at tita, mga ninong at ninang at kung sino man sa mga kakilala. Kung sino man ang may gustong kumanta, depende sa iskor na makukuha