Usbong (Maikling Kwento)
Dalawang linggo ko na ring naririnig ang mga ingay na iyon. Mali, pangatlo na yata. Maingay, masakit at nakakatakot. Ito na marahil ang aking ikahuling taon sa pwesto kong ito. Pumalahaw man ako, mangiyak at magmatigas, ’di ko pa rin sila kaya. Wala akong laban. Dapat masaya ako, nagampanan ko na ang alituntuning matagal ko nang pinanghahawakan. *** Mahal ko naman kayo. Kayong lahat. Nuong mga bata nga kayo, laging ako ang kasama ninyo. ’Di naman ako makatanggi. Ikaw, Nening, naaalala mo pa ba nung ika’y aking natulungan sa oras ng kagipitan sa laro niyo noon? ”Bamsak” kung tawagin ninyo. Nagagalak ako matapos mong mataya ang kaibigan mong si Undadin, dahil mandaraya sya, sabi mo. Etong si Undadin, tanda ko pa nuong nagsapakan kayo ni Felix dahil sa ”Pogs”, kinutusan mo siya kasi mandaraya siya. Doble pamato, sabi mo. Ako ang una mong pinuntahan noon. Takbo mo’y kasimbilis ng dyet pleyn kasi gusto mong makasakay doon. Napansin ko yung mukha mong binalat-ahas na sa u