Posts

Showing posts from August, 2017

Sa Paglingon ko sa Bintana

Image
Kung mababatid lang sana ang dalirot na alintana, kung saan ika'y wala na sa paglingon ko sa bintana. Ginigiit ng agam-agam ang pakikiwari mong lagay. Sa pagsulyap sa mga dagat at ulap, habang tumutungo sa alapaap. Siguro'y ngiti mo'y lalago makita lamang ang mga bago. Susulyapan at pipiliting ilitrato, mga paa'y hindi na ulit mapapako. Mga lugar na ipinagkait habang danas ang tamis at pait. Kaligayaha'y kay tulin tangkain bakit tila walang pangitain? Kakalamin na naman, aalalahanin ang kaban, ngunit labis ang salimuot kung wala nang tanang babalikan. Gunita ang maikling kahapon, anas mo'y pag-asang aahon. Kami'y laging naroroon, tinangay na naman ng mga alon. Sana'y kung tawad ay tanggapin, ng iyong marmol na uma; kalakip ang natitirang ikaw, tangi bang sambit ay palahaw? Sa aking pagbalik, kwento ko pa kaya'y sabik; kung saan ika'y wala na sa paglingon ko sa b