Posts

Showing posts from March, 2016

Insight

Image
Tell the rays to always bide dazzle through and serve as guide the place of faded luster Where all is lack of ponder. When the light is much brighter eyes will cease to see it clear. When the vivid light is gone, roads will be a haunting path. Show us the rest of the world with conscious heart, mind and soul where everything is brisk sold to fruit a delight in whole.

Awa

Naaawa ako. Naaawa ako sa utak na kasimpurol na ng lapis sa labis na paggamit Sa kalamnang 'di na makakilos sa hinaharap na bagtas sa langit Mga paang pinaltos ng natatanging panahon Mga kamay na nanginig sa pagod at 'di maka-ahon. Naaawa ako sa mga bagang sana ay matiwasay na lumalanghap, Sa mga matang naghahangad ng alapaap Mga tengang lito sa dami ng pakikinggan Dilang pigil sa pagmutawi ng kabihasnan Naaawa ako sa maling paggawad ng sulyap Sa mga tuntuning ganap Ngunit kapos sa paglingap Batikos ay nilasap, Problema'y ibinuhos ng mga ulap. Naaawa ako sa sapantahang singkitid ng kanal Akala mo'y may tinatagong kagalinga't banal Bibig na 'di ginamitan ng utak Lulunurin ka sa ihinugot na putak. Naaawa ako sa mga salitang inilibing Sa ilalim ng talampakang naguunahan sa piging Sa ulo'y lumalabas-pasok Sinasayang at nagiging alabok. Naaawa ako sa paglaya Sa lahat ng paghingi ng ligaya Palalakasin ang ginawang pantasya Hahana