61 Biyahe Chronicles
Ang buhay, parang biyahe. Maraming "minsan", maraming " madalas". Minsan mahaba, minsan maikli. Minsan matuwid, madalas lubak-lubak. And the list goes on. Sa mahabang panahon na pag-gamit ng transportasyon, malamang sa alamang, maraming turo at kaalaman ang papasok sa isip natin. Maraming pasikot-sikot, liko, underground at overpass. Sa isang bansa na tinaguriang "Worst Traffic Country", kabi-kabila ang mga kamot sa ulo, bulsa at utak. Pero, hindi lamang sa traffic tayo makakapag-baon ng aral. Minsan sa simpleng pag-abot ng bayad ng aleng nasa kabilang dulo ng jeep, sa mga student discount, pag-para at maraming pang iba ay may mga bagay na maaaring pagnilay-nilayan. Dahil dito, inilista ko ang iilan sa mga natunghayan, narealize, naranasan at napag-isipan ko sa matagal na panahong paggamit ng pampublikong transportasyon. 1. Kasinghirap ng exam sa calculus ang pagsakay ng masasakyan tuwing lunes ng umaga. 2. Kasinghirap ng pagsakay sa umaga ng l...