Kasunod (Maikling Kwento - Rated PG)
Noong una’y ‘di niya mawari kung bakit hindi siya pinasasabak ng kanyang ate sa aksyon. Lagi na lamang sa tuwing sumusubok siyang pumailanlang, sumilip at makisali, titigil sila at itataboy siyang tila hayop. Bilin sa kanya’y huwag pumasok sa itim na silid. Hindi maaari. Ngunit tatlong taon ang binilang at matutupad na rin. “Dapat ako na lang.” Sumunod sa nakakatanda. ‘Yan ang naaalala niyang aral. Isang gabi lang naman ng aliw ang hinangad ni Ida. Hanap niya ay karanasan. Isang bagay na hindi niya makuha-kuha. “Salamat, Ate.” Maganda si Ida. Maibabalandra na niya sa harap ng nagkikislapan at mausok na entablado ang kanyang produkto. Mukhang pinaputi ng pulbos, mga matang pinintahan ng itim upang mapadali ang pang-aakit, mapupusyaw na labi – pinatingkad ng lipstik na eybon, naarbor niya sa kanyang ateng si Lupe. Tuwing gabi’y para silang mga dyosang naliligo sa kolorete at sa dilim ng gabi ikinubli ang mga pekas ng hita’t mukha. Kapital nila’y mga muk