Posts

Showing posts from June, 2015

On Track [2]

Been loving indie music. No need to elaborate much. So yeah, Enjoy this list!! ************************* 1. What You Know - Two Door Cinema Club Nice instrumentals.  This song knows heartbreaks on the line. When the relationship is hanging on the cliff. Pagdadalawang-isip. Pag-aagam agam. 2. Lisztomania - Phoenix Fandom 3. Do I wanna Know? - Arctic Monkeys Obsessive. Desperate. Lust. Nice music. 4. Hard To Say No - The Strypes It's really hard to say no. 5. Crooked Teeth - Death Cab for Cutie "And you can't find nothing at all, If there was nothing there all along." 6. Animal - Neon Trees Good vibes-ish rock 7. Run - The Ransom Collective #ProudPinoy OPM Indie music level up bruh. 8. I Will Follow You Into the dark - Death Cab For Cutie  This song + Attachment + Belief in forever = Tears 9. Undercover Martyn - Two Door Cinema Club

Haligi

Ikaw ang may-ari, Ng mga kamay na kinalyo sa trabaho, Mga matang tila pagod sa pagmulat, Mga paang laging namumulikat sa pagmamaneho. Mga pag-aagam agam. Mga responsibilidad. Ang mga pagtitiis. Mga luhang may pag-aatubiling umagos. Patunay na sa bawat umagang darating, patitibayin ang haliging ipinaigting. Ikaw ang may-ari -- Ng mga desisyon. Ng mga payo. Desisyon at payong maka-titiyak ng aming kinabukasan. Sa daanang hindi maaaring balikan. Sa landas na ipinataw mo sa aking kamalayan. Maaaring sa opisina, sa kalsada, sa paaralan, sa gusali at saan man mapadpad ng hangarin mong kami’y buhayin, Naroon ka, nagpapatuloy sa pakikipagbunuan para sa hapag ay may ihain. Na sa bawat sentimong ipinundar, kapalit nito’y Buhay na patuloy sa pag-andar. Mula sa pagpayag sa aking pagligo sa ulan Sa paglipat ng channel , Ang pag-ayos ng sirang gripo, bentilador, laruan at lovelife . Sa pagbigay ng dagdag- baon, Sa kamay mong mahahawakan na