Isneyr
Noong ang bigat niya’y tatlong kilo, Pasan ng amo sa marumi niyang balahibo, Inilagay bilang tagadagdag sa pondo Sa isang seldang ginawa para sa negosyo. Sadlak ngunit maligaya, Nabuhay sa dumi’t putik nang masaya. Nakipaglarong laging taya, Mga kasama niya’y isa-isang pinapalaya.. Gamot ay inihalo sa kanyang dugo, Itinurok pagkatapos nilang maligo; Pinalaki ang kani-kanilang katawan Nang sa gayo’y mas mapakinabangan. Pangarap niya’y kahulilip ng langit, Makatakas sa seldang bakal nang saglit. Abutin ang ulap at gumawa ng mga guhit, Kalayaan sa pasakit ay makamit. Inabangan ang pagbuhos ng ulan, Lamig ang ninanais sa marumi niyang kulungan. Nagbakasakaling baka maranasan Ang karangyaan sa labas ng tahanan. Kinalam ng panahon ang sikmura, Nakaranas ng matinding pagaalimura. Pagsisisi ang yumakap sa konsensya Nagmistulang kasalanan sa amo ang paglaya. Nawala sa kakahuyan, Bakas ng kanyang yapak patungo sa bagong tirahan....