Pulitika, Refrigerator at Butter
Madilim. Minsan maliwanag. Pero ‘minsan’ pa din. Malamig. Malamang, Ref nga eh. Unless bubuksan mo. Naninigas na ang lahat at nahihirapang huminga. Higit na naaapektuhan ang mala-kahong katawan ni Butter. “Tulungan mo akong makalabas dito!” Mga salitang pilit na isinambit kay Cheese. “Matutunaw ka lang rin. Bakit ba gusto mong lumabas?” Nangangatal na anas ni Cheese. “Baka sakaling magamit nila ako.” Pamumutawi ni Butter. “At para makasama ko na rin ang mga Tinapay.” “Hindi lang ikaw ang naaapektuhan, Butter!” Sabi ng nagyeyelong piraso ng katawan ni Manok na nanggagaling mula sa itaas. “Mahihirapan lang silang gamitin ka. Tignan mo nga ako, inilagay dito sa freezer para tumigas, palalambutin din naman. Tama nga at tapat ang iyong nais.” Sabi ng matigas-tigas na ring Laman ng Baka. “Bakit kayo ganyan, ako nga binalatan ng buhay eh!” Sabi ni Patatas. In behalf of Carrots. “Ayaw nila sa amoy ko, kaya ipinasok nila ako. Tama ba ‘yun?” Sino pa...