Posts

Showing posts from July, 2014

Bus at Biyernes

Biyernes. Pauwi na. Hapo ang katawan galing sa mapanubok na training. Isama na rin ang utak sa nakakapanghilong Qualitative Chemistry at Physics. Ok lang sana kung lilisan na sa sintang paaralan na may bungisngis pero, Naalala kong biyernes na pala. Anong meron sa Biyernes? Ito lang naman ang araw kung saan maraming natutuwa dahil weekend na. Kaya nga nauso yang #TGIF. Thank God it's Friday!! Wala nang masyadong aalahanin, may pahinga na rin sa wakas, Relaxxxx Chilaax mode at pagkakataon ko nang magliwaliw! Madalas nating mararamdaman ang saya na parang katatapos lang magtake ng midterms and finals ng buong linggo. Yung parang Bruce Almighty na pasayaw-sayaw na lang sa daan dahil "I got the Power". Malamang sa hindi mapupuno na naman ang mga Timezone, Quantum, World of fun at Tom's World dahil sa mga "naglalakwatsa" o nagka-yayaang estudyante o mga nagbabata-bataan. Tiba-tiba na naman ang mga may-ari ng sinehan. Pati mga fast-food, bar at resto, ayun, la